Embrace

78.2K 4.3K 2K
                                    

Dio's POV

Bumaba ako ng platform at nagsimulang maglakad. Pumasok ako sa kagubatan at tahimik na sinundan ang daan ng basang lupa.

Ilang minuto rin akong naglakad. A good ten minutes bago ko nakita ang malaking lawa. Just beside it is the river that was once flowing from the Academy further to the sea a hundred miles from here. But now, the river is shortened. Wala na kasi ang Academy at nabawasan rin ang tubig dahil nagpagawa ako ng man-made lake sa gitna ng kagubatan para sa kaibigan ko.

I also managed to ask my father to turn the water salty so my friend can survive. Good thing he heard me. Aside from turning the water salty, he sent an earthquake and extended the size and depth of the lake enough for the comfort of a legendary sea monster.

I stood one step away from the water. Pinikit ko ang aking mga mata para ramdamin ang bawat galaw nito.

'Ma! Ma! Tignan mo oh!' tinuro ko ang mga dolphins na tumatalon-talon kasama ang mga alon.

'Halika nga, Dio.' ginulo niya ang buhok ko. 'May ikukuwento ako sa'yo.'

Sinimangutan ko siya. 'Mama, bakit ba kasi Dio tawag mo sa'kin eh ang layo-layo kaya n'un sa totoong name ko.'

'Kaya nga..' nginitian niya ako at sinenyasan na lumapit sa kanya. Padabog akong tumungo saka niya ako inangat at pinaupo sa tabi niya. Inakbayan niya ako at hinimas-himas ang balikat ko.

'Kita mo 'yang dagat anak? Ang ganda ano?'

'Oo pero mas maganda naman mama ko.' pabulong kong sabi.

Narinig niya ito dahilan na matawa siya nang marahan. 'Ito na. Makinig ka na sa ikukwento ng maganda mong mama...'

Nagsimula na siyang magkuwento nang nakaharap kaming dalawa sa malawak na karagatan.

Binuksan ko ang aking mga mata at napatingin sa repleksyon ng langit sa tubig.

Poseidon.

It was the first time I heard that name. The name of the God of the Sea. The name that controls the water and every creature born from the depths of it.

'Gusto ko talaga Dio yung pangalan mo kasi na-inspire ako sa kanya...'

Napangiti ako nang marinig ulit ang boses niya sa isipan ko.

'Kaso ayaw ng papa mo. Ayaw niya daw na galing sa isang God ang pangalan mo para alalahanin mo na tao ka at hindi ka katulad ng Poseidon na 'yun.'

'Pero bakit po Dio tawag mo sa'kin eh ayaw naman pala ni papa?'

'Kasi Dio, habang lumalaki ka, unti-unti kong nakikita si Poseidon sa'yo.'

Umatras ako nang isang hakbang.

'May mga bagay na hindi ko kayang itanggi anak...'

Tuluyan kong itinulak ang aking katawan sa tubig. Naramdaman ko ang sumalubong na ginaw sa balat ko, sensasyon na nakasanayan ko na sa paglipas ng panahon.

'Lalo na kapag ito ang katotohanan.'

Inutusan ko ang tubig na hatakin ako sa ilalim. Ilang sandali lang at nakatayo na ako sa pinakailalim, ang bahagi kung saan kaunting liwanag nalang mula sa itaas ang nakakapasok.

I let out a breath, releasing bubbles out of my nose and mouth.

Damn these memories.

Because they always bring me to the deepest of waters.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon