First

57.6K 3.9K 4.7K
                                    

Art's POV

"Blobblebutt!" Niyakap ko si Blobblebutt pagkatapos akong makasakay sa likod niya. "Hello! Hihihi!"

"Art, umayos ka nga." naiinis na sabi ni Thea. "Nung unang beses na nahulog ka diyan, ang tagal mong nakabalik."

"Ooooh..." Napatango-tango ako. "Yun ba yung akala niyo namatay ako? BWAHAHA-" Eh di pa nga ako tapos tumawa nang padalhan ako ni Kara ng nakakamatay na tingin.

Hmp!

"Art." sambit niya. "Be careful, okay?"

"Okie." Binigyan ko sila ng thumbs-up.

Saka ako napatingin kina Kaye at Slade na naglalakad papalapit sa'min.

Pinaningkitan ko sila. "Luh! Ba't antagal niyong dalawa?"

"Blame him." matipid na sagot ni Kaye.

Napabuntong-hininga naman si Slade dahilan na mapangiti ako.

Nagpasama si Slade para kunin yung supply ng ambrosia niya 'no? Hehehe. Syempre, di ko pinahalata na alam ko.

Pagkatapos, sabay kaming napalingon sa direksyon ng hall nang mapansing naglaho na ang tunog ng mga pagsabog.

Tapos na siguro yung mga yon?

Sa harap namin, lumitaw ang isang salamin na hugis bilog at mula rito, lumabas si Trev, kasunod si Cesia.

Pareho silang napapalibutan ng... ano nga ulit tawag nung color purple na kuryente...

"Spectra?" Tila sinagot ni Kara ang tanong ko. "What happened to you?"

Sa sandaling naglaho ang spectra sa katawan nila, ipinikit ni Cesia ang kanyang mga mata na para bang biglaang nanghina. Saka siya napahilig kay Trev na agaran namang napahawak sa balikat niya para pigilan siyang matumba.

Nagkasalubong ang aking kilay pagkatapos masuri ang amount ng energy sa loob ng mga katawan nila.

Huh. Ba't parang unstable ito? Nanghihina, tas lumalakas... anong klaseng enerhiya 'yan? At saan galing?

"But before that, saan ang tungo natin?" tanong ni Dio.

"Templo... ni.. Mnemosyne..." Nanghihina ang boses ni Cesia. "M-May ospital-"

"The hospital above Mnemosyne's temple." ani Seht. "We've been there before, to look for Mnemosyne's oracle."

Wala sa sarili akong bumaba mula kay Blobblebutt at lumapit kay Cesia na namimigat ang mga mata. Lumiliwanag ang aking palad nang itapat ito sa kanyang pisngi.

"Hi... hehe..." bati ko sa kanya nang namulat siya.

Nginitian niya ako sabay hawak sa aking kamay. "Thank you, Art."

"Nagawa mong kalabanin sina Zeus at Hera, pero this time di ka na nahimatay." puna ko. "Mabuti naman..."

Humugot siya ng hangin. "Mmm."

"Pero kailangan mo pa ring magpahinga, Cesia." nag-aalala kong sabi sa kanya, saka ko nilingon si Trev. "Ikaw din, Trev."

Sinimangutan ko siya. "Akala mo di ko mapapansing nanghihina ka rin?"

As usual, parang wala lang sa kanya yung sinabi ko. Sinulyapan niya lang ako bago utusan sina Dio na ihanda ang mga sasakyan na gagamitin nila.

Sila lang ang gagamit kasi may special vehicle naman ako ih!

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon