The Revived Healer

40.1K 3.1K 1.5K
                                    

Matilda's POV

"No words." Lumapit kami sa kanya. "Just bring us back."

"What-" Halatang nagtataka pa rin siya.

"Bring us back, Seht!" Napasigaw na ako. "Bago pa gumuho ang realm na 'to!"

His eyes automatically turned to gold. After a moment, a portal appeared behind him.

Tinanguan ko sila at nanguna sa pagpasok. Nang makarating ako sa kabilang dako ng portal, nagdalawang-isip ako noong una kung tamang portal nga ba ang pinasukan ko dahil nasa ospital pa rin kami at walang ipinagbago. Yumayanig pa rin ang sahig, na tila guguho na ang buong building.

"What the fu-"

Nilingon ko si Dio na siyang nagsalita.

Oh. Nagawa nga ni Seht na ibalik kami sa pinanggalingan niya.

"Listen." Tinignan ko ang demigods na nakapalibot sa'kin. "Whatever happens, Omegas, do not let chaos control you."

Lumakas ang pagyanig ng building.

"What's happening?" tanong ni Kara.

"The realms." Isang lalaki na ngayon ko lang napansin na kasama namin ang sumagot. "It's breaking apart."

Halatang ikinabigla nila ang sinabi niya dahil hindi na sila gumalaw pagkatapos marinig 'yon.

Narinig namin ang malakas na tunog na parang may nabasag mula sa malayo. Pagkatapos, nagsimula nang masira ang mga pader. Unti-unti itong nasira at nahulog, at imbes na makita namin ang labas ng ospital, wala kaming ibang nakita kundi kadiliman sa likod ng natanggal na mga piraso ng dingding.

"Ito na ba yun?" tanong ni Art. "Buburahin na ba tayo ni Chaos? Huhuhu!"

"Chaos can't." sagot ko. "Unless you let him."

"Remember you have Destiny on your side. He will protect you." paalala ko sa kanila. "But you need to protect yourselves, too, demigods. I don't know where Chaos will put you, but I need you to be strong."

"Nga pala, nasa'n si Trev?" tanong ni Chase na nasa aking likuran.

"And... Cesia?" mahinang dagdag ni Ria.

Nagkibit-balikat si Kara. "No one knows, now that the realm's breaking apart."

"So..." ani Dio. "I guess this is goodbye?"

Nagtinginan lang kami sa isa't-isa.

"Teka lang!" sigaw ni Thea. "Pwede bang manghingi ng favor kay Chaos na magkasama pa rin kami ni Seht kung saan niya man ako ilalagay?"

"Ako rin!" Mahigpit na kumapit si Art kay Cal. "Gusto ko magkasama kami ni Cal!"

Namuo ang isang ngiti sa aking labi.

That's right. Do not be afraid. You've come a long way. You've gotten strong enough to face Chaos. Whatever happened, every pain, doubts and mistakes you've made, brought you this far.

Every weakness you have... is a strength.

"Matilda, who found you?" tanong ni Kara.

Nilingon ko sina Ria at Chase. "Them."

"We were in the same place, but we were stuck at a different time." sabi ko. "Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit ako dinala rito no'ng sinubukan kong hanapin ang mga mata ni Cronus."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon