SC: Power Infinite

58.4K 4.3K 5.1K
                                    

Cesia's POV

Paulit-ulit na lumitaw ang malaking salamin sa itaas ko dahil patuloy itong sinisira ng ibinabatong mga kidlat ni Zeus.

Hindi pa rin gumagalaw sina Zeus at Hera ngunit kami dito, kung saan-saang sulok na napapadpad.

Nakita ko ang kamay ni Hera na nakatapat kay Trev kaya tumakbo ako sabay apak sa pader na malapit sa kanya at tumalon sa kinatatayuan niya dahilan na dalawa kaming gumulong pababa mula sa platform nila.

"So-" Hindi ako nakapag-sorry nang maayos sa kanya dahil bigla siyang naglaho. Naramdaman ko nalang ang di-nakikitang pwersa na tinulak ako paatras.

Imbes na tumama ang aking likod sa matigas na pader, nakaramdam ako ng kakaibang lamig kaya't napatingin ako dito at nakita ang makapal na mist.

Nawala agad ito kaya paupo akong bumagsak sa sahig.

"A-Aray-" Hinihimas-himas ko ang aking balakang.

"You're still slow." Narinig kong puna ni Trev na dinaanan lang ako.

Napakurap-kurap ako at nag-summon ng mga salamin na hugis patalim saka ibinato ito sa direksyon nina Zeus.

Napatigil si Trev pagkatapos makita ang mga ito na inunahan ang mga kidlat niya.

Tumayo ako at inayos ang aking sarili.

Nginitian ko si Trev na nakakunot ang noo habang nakatingin sa'kin.

"Nag-training kaya ako nung nasa Greece pa kayo." pagbibigay-alam ko sa kanya, at muling nag-summon ng mga patalim.

Humakbang akong patagilid pagkatapos makita ang kislap ng isang lightning bolt na dumiretso sa direksyon ko.

Naglaho siya sa aking pananaw at lumipat sa harap ko.

Hindi nagbago ang ekspresyon niya. "With who?"

At dahil sinabihan niya akong mabagal, syempre...

"Kailangan mo pa bang malaman?" sagot ko at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya.

Pinagtuunan ko si Hera na nanlilisik ang mga mata habang sinusundan ako ng tingin.

Anong gagawin niya?

'Rot in your place, demigod.'

Biglang sumakit ang isang binti ko dahilan na mapahawak ako dito. Pagkatapos, nakita ko ang unti-unting pangingitim ng balat ko.

Kumalat ito hanggang sa likod ng aking hita at kasunod akong sinampal ng amoy ng nabubulok na laman.

Napaluhod ako sabay iyak sa sakit nang marinig ang mahinang pagbitak ng sarili kong buto sa binti.

Nanginginig ang aking mga kamay nang hawakan ang binti ko. Saka ako napalingon kay Trev na umiilag sa ibinabatong kidlat ni Zeus sa kanya.

Nang makita ko si Hera na maiging nakatitig sa kanya, nag-summon ako ng malaking salamin para takpan siya mula sa mga mata ng goddess.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa balat kong unti-unti nang nahihiwalay mula sa kinakapitan nitong kalamnan.

Pumikit ako at huminga nang malalim para makapag-isip-isip ng gagawin.

Pagdilat ko, naramdaman ko ang daloy ng aking kapangyarihan mula sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Nagtipon ito sa binti ko at mula sa ilalim ng aking balat, lumabas ang kakaibang likido na tila gawa sa nilusaw na salamin.

Tinakpan nito ang nabubulok na bahagi ng aking binti.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero sinundan ito ng matinding sakit kaya napatakip ako ng bibig saka sumigaw nang todo.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon