Resurrected

39.2K 2.8K 1.4K
                                    

Art's POV

Nanginginig ang kamay ko na nakapatong sa noo ni Mama. Pinagpapawisan siya. "T-Twinny- Hindi na niya kaya-"

Lumiwanag ang palad ko. "Mama? Naririnig mo pa ba ako?"

"No." Umiling si Seht na katulad ko ay nagpa-panic na rin. "We need you to push again, Mom."

Hindi ko alam kung anong nangyari, basta pagkatapos kong iligtas yung sarili ko mula sa Underworld, imbes na bumalik doon sa dating bahay namin, napunta ako rito.

Nasaan ba kami?

Inilibot ko ang aking paningin.

Nasa isang maliit na kubo kami, at nakatayo ako sa tabi ng higaan na yari sa kawayan.

Lumiwanag ang aking mga mata nang maramdaman kong may papalapit na mga presensya. "Seht- Seht!" sigaw ko. "May paparating!"

"Fuck!" Napamura siya. "Help her! I'll cover you."

Tinignan ko si Mama na nakapikit ang mga mata at humahangos. Tapos, lumipat ang aking atensyon sa nanginginig niyang mga binti. Nakaangat ang magkabilang tuhod niya at sa ibabaw nito, nakatakip ang isang puting kumot na duguan.

Bago pa ako tumungo sa may paanan niya, ay hinawakan niya ako. "Artemia-"

Naluluha ako nang magkasalubong ang tingin namin.

"H-Hindi pwede-" Tinanggal ko ang kamay niya mula sa braso ko. "Hindi ka pwedeng mawala dahil lang binigyang buhay mo kami."

"Mabubuhay kami," saad ko saka pumunta sa paanan niya. "At mabubuhay ka rin, Ma, dapat k-kasi magkasama tayo e-eh-"

Suminghot ako at bahagyang inangat ang kumot.

"H-Hinga po nang malalim."

Nasilayan ko ang nanghihina niyang ng ngiti bago sundin ang sinabi ko. Humugot siya ng malalim na hininga at gamit ang natitira niyang lakas ay umire.

Napaiyak siya sa sakit. Napaiyak na rin ako.

Sunod-sunod na bumagsak ang aking mga luha. "S-Sige pa, po-" 

Napasinghap ako nang marahan akong itulak ni Seht. "Go back," aniya. "I need you to use your ability while I handle this."

"P-Pero yung mga kalaban sa labas-"

"Cal is here."

Tumango-tango ako at bumalik ulit sa tabi ni Mama.

Hinawakan ko siya sa balikat at muling itinapat ang aking palad sa kanyang noo. Saka ko inilipat ang sarili kong enerhiya sa katawan niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Umiiyak ako, at nginitian siya, "M-Mama... si Artemia p-po 'to..."

Dagliang umangat-baba ang kanyang lalamunan.

"A-Andito rin si Sebastian..."

Ngumiti siya at hinawakan ako nang mahigpit. "Mmm..."

"Wala kami rito kung hindi dahil sa'yo, Ma..." bulong ko.

"Apollo..." Kumunot ang kanyang noo sa sakit. "'Yong lalaking 'yon, hindi niya naman siguro kayo sinisi sa pagkawala ko... diba?"

Napatigil ako at napatingin kay Seht na nakatingin din sa'kin.

Nginitian ko si Mama at hinaplos ang noo niya. "H-Hindi po..."

Napasigaw na naman siya nang sabihan siya ni Seht na umire. Ilang sandali pa'y narinig ko na ang iyak ng isang sanggol.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon