The Invincible Rose

44.7K 3.3K 2.3K
                                    

Cesia's POV

Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa gitna ng literal na kawalan. Wala akong nakikita, wala rin akong nararamdamang ibang presensya. Sobrang dilim, at ang tanging lumiliwanag lang ay ang gintong simbolo na nakaukit sa aking pulso.

Sinubukan kong gamitin ang abilities ko para ramdamin yung ibang demigods pero wala talaga.

"Chaos..." bulong ko sa sarili.

Nararapat lang na hindi ko magamit ni isa ang abilities ko dahil nasa realm ako ni Chaos, ang pinakamakapangyarihan na deity ayon sa Greek Mythology, dahil siya ang pinakaunang deity na nag-exist bago ang lahat. Sa kanya galing lahat, ang primordial gods and goddesses, ang mga titans, ang gods, demigods, mortals, pati na rin ang bawat hayop at mythological creatures. Siya ang god na gumawa ng iba't-ibang realms...

Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi.

Nagsimula ang kasaysayan sa kanya...

Ano nga ba ang panlaban namin sa god na 'yan? Kung hindi lang kay Destiny na pinoprotektahan kami, eh di sana, matagal na kaming wala.

Muli akong nagpakawala ng hangin.

"Ano bang gagawin ko dito?" Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko.

Ito ba yung balak ng god gawin sa'kin? Ang i-trap ako sa realm niya hanggang sa mabaliw ako?

Pagkatapos, nanumbalik ang aking ngiti.

"Di bale na..." tugon ko. "Bihagin mo man ako sa kawalang-hanggan..."

"Hindi ko naman sila makakalimutan, eh." Umupo ako. "Wala akong abilities dito, pero may mga ala-ala pa naman ako..."

'I hate you and I'll be sure to remember that.'

Madaling napawi ang aking ngiti nang marinig ko ang boses ni Ria. Nagmula ang tinig niya sa iba't-ibang direksyon at tila pinalibutan ako.

"Alam mo..." mahina kong sabi. "Kahit sinabi 'yon ni Ria, hindi pa rin ako nagalit sa kanya."

'Palibhasa kasi lumaki ka nang hindi nakikilala yung ama mo. Ni isang beses hindi mo narinig yung boses niya hanggang sa paglaki mo.'

Natawa ako nang marahan. "Nasaktan ako, pero hanggang doon lang ang naramdaman ko para sa kanya... kasi hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang saktan, lalo na't alam ko ang pinagmulan ng sinabi niya. Alam ko ang nakaraan niya, at ramdam ko ito."

Naalala ko ang unang araw ko sa Academy.

'Turn around.'

Noong nag-panic ako nang makita ang dalawang espada na nakatutok sa'kin.

'Now that you know I can summon weapons, let me introduce myself again.'

"Si Ria kasi..." dugtong ko. "Siya lang yung kilala kong tao na hindi takot ipakita yung katapangan niya. Tatakutin ka n'yan, babantaan, kahit kakakilala niyo pa lang."

'Ria, an Alpha, Daughter of Ares, the God of War... at your service.'

"Kasi 'yan yung sarili niyang lenggwahe, eh..."

Hindi ko alam kung lumitaw nga siya sa harap ko, oh produkto lang ito ng mga ala-ala ko at imahinasyon ko lang ito, pero nakita ko si Ria na nakatayo sa harap ko. Nakasuot siya ng uniform habang sinusuri ang kanyang weapon na isang gintong espada.

Pagkatapos, nilingon niya ako. "Have I told you about how stupid that son of Hermes is?"

"Pero alam mo, kahit ganyan siya magsalita..." bulong ko nang unti-unti siyang maglaho sa aking paningin. "Inaaya niya ako na kumain ng ice cream sa tuwing nanghihina ang loob ko."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon