The Crown of the Realms

40.7K 3K 3K
                                    

Cesia's POV

Napangiti ako habang pinapanood ang mga ala-ala ko kasama ang Alphas kasama si Chaos na nakakunot ang noo habang nakatuon dito.

Nilingon niya ako. "I have already seen your entire life."

"Mmm." Tumango ako nang hindi siya binabalingan ng tingin. "Pero hindi mo pa nakita ang buhay ko gamit ang mga mata ko."

Muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa malaking salamin sa harapan namin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang lumabas ang ala-ala ko noong nawala si Art. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon, hinding-hindi ko makakalimutan ang naramdaman ko, dahil sa sandaling 'yon, natuto ako kung paano maging matapang, hindi para sa'kin, kundi para sa iba. 

Huminga ako nang malalim at saka itinapat ang aking mga braso sa dibdib.

Hindi ako kasinglakas ng Alphas sa panahong 'yon, kaya siguro kinailangan pa namin ang tulong ni Aphrodite para matalo si Hecate...

Napalunok ako.

"You're wrong." ani Chaos dahilan na mapatingin ako sa kanya.

Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa tuwing nagsasalita siya nang mahina.

Nginitian niya ako. "You have always been the strongest."

"When Art died..." Panandalian siyang tumigil. "Cesia, you were the one who spoke to the others to calm them down."

"People lose control, when they let chaos take over them- but you.." Umiling siya sabay pagsingkit ng kanyang mga mata. "You have not just resisted me, but you stopped me from controlling the others as well."

"That's true strength, demigod." dugtong niya. "To be able to stand alone, amidst total chaos... is the strongest power one can hold."

"To be able to rise after being defeated... to be able to see light when surrounded with nothing." Kumunot ang kanyang noo. "-is how one can stand against me."

Dahan-dahang bumaba ang kanyang tingin. "There are hidden battles every one of you is fighting, every second of the day." Ngumiti siya. "Mortals... gods... every creature is born from chaos, and chaos, you fight every moment you exist."

"I have always been inside you." Tinignan niya ako. "I have always been inside every one of you, because I am a part of you..."

"Your life... is nothing without chaos."

"You are all different from each other, because you fight differently against chaos." Humibi ang kanyang labi. "And the truth is..." Lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha. "You may be different, but still, all the same."

"In a way that even a pure mortal can become more powerful than a god, when he has the strength to fight every battle... within him."

Naramdaman ko ang aking mga luha na nanggigilid sa aking mga mata.

Muli siyang tumahimik. Pagkaraan ng ilang sandali, ay binigyan niya ako ng isang malambot na ngiti. "Because the hardest battle one can fight is against one's self."

"And you, Cesia..." Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo. "You don't just fight your own battles, but others' as well."

"You're..." Umiling siya, tila hindi makapaniwala. "...unbreakable."

Isang luha ang nakatakas at tumakbo sa aking pisngi nang matawa ako nang marahan. "Hindi totoo 'yan." sagot ko. "Ilang beses na ba akong nanghina?" Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. "Ilang beses na akong nabasag... nasira... nasaktan..."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon