A Friend

50.5K 3.8K 2.2K
                                    

Cesia's POV

Pinunasan ko ang sulok ng aking labi at tinignan ang dugo sa likod ng kamay ko.

Sa likod ni Hera, lumitaw ang isang salamin na kasinglaki ng goddess. Saka ako nag-summon ng isa pa sa tabi ko. Pumasok ako rito sabay tulak kay Hera nang makalabas ako sa salamin na nasa likod niya.

Nawalan ng balanse si Hera ngunit bago pa siya tuluyang bumagsak sa lupa, naglaho siya sa aking paningin. Lumipat siya sa mismong harapan ko at ipinalipot ang kanyang mga daliri sa aking leeg.

Idiniin niya ang kanyang mga kuko sa balat ko hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy ng dugo pababa sa balikat ko.

"I am still your Queen." Dahan-dahan niya akong inangat dahilan na mapahawak ako sa kamay niya. "I am a goddess, you are not."

Nahihirapan mang huminga, nagawa ko pa ring magsalita. "H-Hindi ko kailangang maging k-katulad mo-"

Lumiwanag ang aking mga mata dahil sa repleksyon ng salamin na lumitaw sa likod ni Hera. Mula rito, lumabas ang iilang mga patalim na dumiretso sa direksyon namin. Naramdaman ata ng goddess ang paglabas ng kapangyarihan ko dahil mabilis ang ginawa niyang paglingon dito. Binitawan niya ako at muli na namang naglaho.

Hindi agad ako nakatayo dahil napakapit ako sa dibdib ko habang umuubo-ubo. Saka ko dinamdam ang dugo sa aking leeg.

'Cesia.'

Nilingon ko si Trev na abala sa pakikipaglaban kay Zeus. Nakapaloob silang dalawa sa isang buhawi at nakapalibot sa kanila ang kuryente na paiba-iba ang kulay.

'Are you okay?'

'Oo.' Tumayo ako. 'Ikaw?'

'This battle will never end.' aniya. 'The others, they're waiting for us.'

Umikot ako sa kinatatayuan ko para hanapin si Hera na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita.

'Anong gagawin natin?' tanong ko. 'Para makalabas na tayo rito.'

Mula sa sulok ng aking mga mata, nahagilap ko ang liwanag na matuling lumipad sa direksyon ko. Agad akong yumuko at nang lingunin ito, nakita ko ang isang lightning bolt na nakatirik sa lupa.

Kumunot ang aking noo, saka ko tinignan si Zeus na abala kay Trev.

Kanino galing ang lightning bolt na 'yan?

Bigla akong nakaramdam ng pamamanhid sa aking paanan. Tumakbo ang kuryente mula sa aking paa at kumalat sa buong katawan ko, dahilan na mawalan ako ng balanse.

Napaiyak ako sa sakit pagkatapos balutin ng kuryente ang buong katawan ko.

Nananakit ang aking mga mata nang itukod ko ang aking kamay sa lupa at sapilitang inangat ang aking sarili.

Humahangos ako habang nakatingin kay Hera. Mula sa palad niya, lumabas ang kuryente, pati na rin mula sa kanyang mga mata. Lumiliwanag ang buong katawan niya, at nambabanta ang suot niyang ngisi.

Bukod pa sa kakayahang nakakapag-usap kami gamit lang ang aming isipan, ano pa ang kapangyarihan na dala ng spectra?

'Trev...' Naalala ko bigla noong huling digmaan. 'Trev!'

Hindi ko man lang naitanong sa sarili ko kung paano ko nagawang manipulahin ang mist nang wala si Trev.

'I'm listening.'

'Utusan mo sila.' tugon ko. 'Utusan mo silang lumuhod.'

'What?'

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon