Familiarity

47.1K 3.6K 2.6K
                                    

Cesia's POV

Mag-isa sa kwarto, inilibot ko ang aking paningin.

Yumuko ako at itinukod ang aking palad sa sahig. Mula rito, naramdaman ko ang pamilyar na kapangyarihan.

Napangiti ako nang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Tila nakiisa ang sarili kong kapangyarihan sa enerhiya ng buong lugar.

Andito na ako.

Andito na ako sa pinagmumulan ng kapangyarihan ko.

Ang natitirang realm... ay yung akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang magdasal, kahit alam kong wala na ang pinagdadasalan ko.

"Mnemosyne..." bulong ko. "Kailangan ko nang makita ang lahat."

Nagbilang ako ng tatlong segundo. Hindi ko man makita, naramdaman ko ang pagbabago ng kapaligiran ko.

Pagdilat ko, natagpuan ko ang aking sarili na tila nakapatong sa mga ulap. Mula sa iba't-ibang direksyon, lumitaw ang mga salamin na hugis bilog at kasinglaki ko.

Naglibot-libot ako at nalamang mga ala-ala ko ito.

Kusang nag-iba ang kulay ng aking mga mata nang piliin ko ang mga ala-ala na gusto kong tignan. Ginalaw ko ang aking kamay para palapitin ang mga salamin na naglalaman ng mga ala-ala ko noong bata pa ako.

Ilang sandali pa'y nakatayo na ako sa gitna, pinapaikutan ng mga ito.

Sinimulan ko na ang panonood ng mga ala-ala ko. Nakita ko na naman ang araw na una kong nakilala si Trev.

Kung bakit mahigpit na nakatago ang mga ala-ala kong ito... hindi ko alam.

Kaya balak kong alamin ito.

Patuloy lang ako sa panonood hanggang sa marinig ko ulit ang boses ni Papa na kumakanta.

Isang malungkot na ngiti ang namuo sa aking labi habang pinapakinggan siya.

Alam niyang kakailanganin ko ang kapangyarihan niya balang araw... at alam niya ring isa lang ang paraan para maibigay niya ito sa'kin.

Dahan-dahan akong napayuko nang maramdaman ang pamumuo ng aking mga luha.

Ngunit hindi ko ito pinakawalan.

Dahil tapos na akong umiyak sa harap ng deity ko, at nasa akin na ang kapangyarihan ni Papa- hindi, hindi kapangyarihan.

Nasa akin ang lakas niya.

Inangat ko ang aking ulo sabay kuyom ng aking mga palad.

'He was given the power to control his realm...'

Naririnig ko mula sa malayo ang boses ni Aphrodite.

'But he knew better, Cesia. He knew that the timing was wrong.'

'If Mnemosyne saw the future that will exist if we have lost the rebellion, it was Gabriel who saw what will happen if we won.'

Dahan-dahan kong itinapat ang aking palad sa salamin. Tila kumalat ang dulo nito at pinalibutan ako hanggang sa tuluyan na nga akong makapasok sa ala-ala.

'It was Gabriel who saw what will happen if we won...'

Unti-unting bumaba ang aking tingin.

Pagkatapos dumaan ang ilang segundo ng malalim na pag-iisip, muli kong tinignan si Papa nang nakakunot ang noo.

Alam niya ang mangyayari kapag nanalo kami sa digmaan...

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon