Chaos Walking

40.5K 2.8K 2.6K
                                    

Cesia's POV

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit ito.

Pagdilat ko ng aking mga mata, natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa gitna ng napakapamilyar na lugar.

Umikot ako sa kinatatayuan ko.

May naririnig akong mga pagsabog mula sa iba't-ibang direksyon ngunit hindi ko matukoy ang eksaktong mga lokasyon, dahilan na mapailing ako.

Umuugong sa aking tenga ang matinis na tunog kaya't muli ako napahawak sa ulo ko.

Napaatras ako. "A-Agh-"

'Can you control chaos? Or will you let chaos control you?'

'Can you control me, Cesia? Or will you let me control you?'

"T-Tahimik-" Sinubukan kong gamitin ang ability ko para patahimikin ang napakaraming boses na naririnig ko.

Napasinghap ako nang bigla akong nawalan ng balanse.

Sinubukan kong tumayo ngunit sa laking gulat ko, hindi ko ito magawa. Iniba ko ang kulay ng aking mga mata at pinilit buhatin ang sarili kong bigat pero bigo pa rin ako.

Kasunod na namigat ang aking mga mata.

Kararating ko lang dito... at ito na ang nangyayari sa'kin...

Kinuyom ko ang aking mga palad na nakatukod sa lupa.

"Chaos," sambit ko.

Ilang sandali pa'y nagtipon-tipon ang mist sa harap ko at nag-anyong babae na nakasuot ng mahabang chiton. Kasing-itim nito ang nakabukas niyang mga pakpak sa likod.

Eris.

Ngunit hindi lang siya ang nagpakita sa'kin, dahil sa tabi niya, lumitaw si Nyx na tila gawa sa gabi ang kabuuang anyo, mula sa kasuotan niya, hanggang sa kulay ng kanyang mga mata at buhok. Wala ring liwanag na nakakadapo sa katawan niya.

Nanghina ako bigla sa pinagsamang presensya nila sa harap ko.

"Would you look at that," ani Eris na may kasamang nakakakilabot na ngiti. "The same night I killed your father... is the same night I get to kill you."

Tumawa siya. "Destiny may be on your side, but Chaos... is on ours'."

Inangat ni Nyx ang kanyang kamay at kasabay nito ay ang pag-angat ng buong katawan ko. Dahan-dahan niyang kinuyom ang kanyang palad, at gamit ang mist, pinigilan niya akong makagalaw.

Marahas niyang itinabig ang kanyang kamay dahilan na tumilapon ako. Napaiyak ako sa sakit nang dumausdos ang buong katawan ko sa lupa at dinaanan ang mga bato.

'There's one thing I forgot to tell you, Cesia...'

Nanghihina man, itinukod ko pa rin ang kamay ko at sapilitang inangat ang sarili ko.

'You are the reason the the others suffered...'

Muli akong napatingin sa dalawang goddesses na parehong nanananaksak ang tingin sa'kin.

Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin.

'Can you control chaos? Or will you let chaos control you?'

Dahan-dahan akong tumayo at hinarap sila.

Binuksan ko ang aking palad at nag-summon ng mga salamin na hugis patalim. Sabay ang mga itong tumungo sa direksyon nila nang giyahin ko ang mga ito gamit ang kamay ko. Sunod-sunod ang pag-summon ko habang naglalakad, samantalang, karamihan ng mga ipinapadala ko ay natutunaw o nag-aanyong mist bago makadapo sa kanila.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon