Icarus

81.8K 4.2K 1.2K
                                    

Ria's POV

Lumabas kami ng sasakyan at sinalubong kami ng tatlong aurai para tulungan kami sa mga gamit namin.

"We still have to settle our things. You and Chase should head up first." suhestyon ni Kara. "Find out what's the matter."

Nilingon ko si Trev na tinanguan ako. Tumango rin ako saka tinawag si Chase.

"Bakit?" lumapit siya sa'kin.

"Ready your wings." utos ko sa kanya sabay tingin sa Academy na nasa itaas. "Tayo daw mauna."

For a few seconds, wala akong ginawa kundi titigan ito. Good thing the sky is clear today and not cloudy. Kitang-kita mula dito ang piraso ng lupa kung saan nakapatong ang isang palasyo na may naglalakihang pakpak.

"Ria."

Lumipat ang atensyon ko kay Chase na nasa itaas namin, lumilipad. May napansin ako kaya pabalik-balik ang tingin ko sa Academy at sa kanya.

Huh.

I always thought that his wings and the Academy's are made up of the same gold. Pero ngayong nakikita ko na nang malapit sila sa isa't-isa, nalaman kong mas makintad yung kay Chase-

What the underworld am I thinking.

Wala akong oras para mamangha sa pakpak ng lalaking 'yan because hello? mine is obviously better.

Napailing ako at tumakbo papalayo sa kanila. In the middle of running, I quickly summoned my red flaming wings and took a huge leap. A leap that didn't end with my feet touching the ground dahil nasa ere na ako.

Umikot ako at sinenyasan si Chase na tumungo na.

Sumunod ako sa kanya at lumipad pataas, papalapit sa Academy. Habang gumagalaw ang mga pakpak ko, I can't help but notice how cold the wind is.

I was getting closer and closer to my destination when I felt another wind brush on my skin.

It was gentle. Hindi naman ako natulak nito. Nor did it hurt me.

It just... made me stop moving.

Tinignan ko si Chase na nakababa na sa lupa ng Academy at agad sinalubong ng isang aurai.

Gagalaw na ulit sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang anino na unti-unting kinakain ang Academy. I looked down and saw the Alphas already inside the shadow too. The darkness crawled unto us until it covered the whole land. Even the horizon in my view was gone.

The wind was stale.

There was no light around me.

May naramdaman akong kakaiba mula sa likod ko kaya dahan-dahan akong umikot.

At pinagsisihan ko kaagad ang ginawa ko.

The moment my eyes landed on the solar eclipse happening behind me, my entire body entered into a state of weightlessness.

Sinubukan kong alisin ang aking tingin mula dito pero pilit itong tinatanggi ng katawan ko na para bang may ibang kumukontrol nito.

Shit.

Something's happening to me.

'Arianne...'

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. "Ma?"

'Arianne tignan mo...'

'Halika anak may ipapakita ako sa'yo..'

'Lumapit ka muna..'

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon