The Passion Bearer

41.5K 2.7K 1.4K
                                    

Thea's POV

Nakatanggap ako ng malakas na sampal sa mukha.

"Aray ko naman!" Napahawak ako sa aking pisngi. "Ano ba-" Napatigil ako pagkatapos makita si mama na umiiyak sa harap ko.

"Bakit mo pinabayaan yung kapatid mo?!" sigaw niya.

Nakahawak pa rin ako sa aking pisngi nang maluha ako. "M-Ma?"

Teka. Naalala ko 'to. Nangyari na 'to. Nag-away kami dahil pinabayaan ko si Arah. Sa pagkakatanda ko, nawawala siya ngayon... pero hindi ko tinulungan si Mama sa paghahanap.

"Bakit-"

"Arah-" sambit ko. "Arah!"

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay sa motor. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na magsuot ng helmet at pinaharurot ito papuntang mall kung saan ko siya huling ibinilin.

Nang makarating ako ay dumiretso agad ako sa guard. "E-Excuse me-" Naiiyak ako. "May- may bata pong nawawala, ibinilin ko po siya rito- tapos-"

Lubos kong pinagsisihan ang ginawa ko.

"T-Tapos... g-ganito po siya katangkad-" Umiiyak na ako. "Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon-"

"Ate?"

Napasinghap ako pagkatapos marinig ang boses ng kapatid ko. Mabilisan akong umikot at nakita si Arah na may dalang lollipop.

"Arah!" Napaluhod ako sa harap niya nang umiiyak. "S-Sorry- P-Patawarin mo si ate-" Niyakap ko siya nang napakahigpit. "I-Iniwan kita-"

"Anong iniwan? Eh sabi mo babalikan mo'ko, eh."

Pero hindi... hindi kita binalikan.

"Ate! Nakakahiya ka!" Tinulak niya ako pero di ako nagpatinag. "Di pa nga pares yung tsinelas mo!"

Natawa ako nang marahan nang umiiyak pa rin.

Di nagtagal, natahimik siya. Naramdaman ko ang maliit niyang kamay sa likod ng aking ulo.

"Ate Jamie?" Hinahaplos-haplos niya ang buhok ko. "Ayaw mo ba talaga sa'kin?" pabulong niyang tanong.

Sinubsob ko ang aking ulo sa balikat niya. "Hindi, Arah, m-mahal kita, sobra."

"Kahapon kasi..." Suminghot siya, halatang naiiyak. "Nakita ko kasi na pinunit mo yung letter ko nung family day eh... di mo ba nagustuhan?"

"N-Nagustuhan ko 'yon." pagbibigay-alam ko sa kanya. "Pag nakauwi na tayo, tulungan mo 'kong buuin ulit 'yon. Okay? Tapos kumain tayo ng yumburger- tapos gumala tayo sa baywalk- bumili tayo ng napakaraming isaw-"

"Last week din nakalimutan mo akong sunduin sa school..."

Bumitaw ako mula sa pagkakayapos sa kanya. "Kalimutan mo na 'yon.." Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Mahal kita, Arah, at ipaparamdam ko 'yan sa'yo simula sa araw na'to."

"Jamie?"

Narinig ko ang boses ni Mama at sa aking paglingon, nasa tabi na ako ng kalye sa syudad. Nakita ko siya na nagmamadaling tumawid. Saka ko napansin ang kotse na hindi bumabagal ang takbo.

"Tangina- teka lang!" Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng aking mga mata nang tumakbo ako sa gitna ng kalsada at tinulak si Mama.

Napasigaw ako sa sakit nang tumama sa'kin yung kotse. "Aray ko na naman eh!" Nakahawak ako sa aking balakang habang gumugulong-gulong sa aspalto.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon