Lifeless

69.1K 3.4K 2.5K
                                    

Dio's POV

Aphrodite's temple is connected to every other temple in the area. That's why, only she can provide access for those who want to enter the other temples.

Her temple was enclosed in a barrier, at habang binibigyan niya kami ng tour, kinuwento niya rin sa'min ang kondisyon ngayon ng Mount Olympus. Ayon sa kanya, tuluyan na ngang naging itim ang mga ulap doon dahil kay Zeus na hindi mapakali sa kanyang trono. Pinapagalitan niya ang ibang Olympians kaya isa-isa silang nagsibabaan maliban kay Hera, na nag-order ng isang kahon ng earplugs mula kay Hermes.

For some reason, hindi na nakakapanibago ang matinding reaksyon ni Zeus...

Napatingin ako kay Trev at naalala ang bawat kidlat na tumama sa paanan ko sa tuwing pinipikon ko siya.

At least Zeus opens his mouth when he's angry. Ito naman kasing anak niya, nagpaparamdam lang ng galit sa pamamagitan ng pagpapadala ng kidlat.

The calm before the storm, that's what we call it.

When everything is too quiet, we always have our eyes on him.

"See that door over there? That's Dionysus' chambers." sabay turo ni Aphrodite sa kumikinang na pintong yari sa ginto.

Umikot siya at itinuro ang sacrificial table sa gitna ng hall kung saan may katawan ng lalaki na nakahilata.

"And see that? That's Dionysus."

Nakasuot ang lalaki ng suit na leopard print at may nakapatong na shades sa kanyang dibdib. Bahagyang nakabukas ang kanyang bibig at mula rito, maririnig ang mahihina niyang hilik.

"He's always passed out like that so please excuse him." The goddess clasped her hands. "Alright! Let's proceed, shall we?"

Her temple was huge, and everything was polished clean. Kung sa labas, parang ancient temple ito, sa loob naman, parang wala pang century ang nakalipas.

The columns and marbled floor were white and glittering. The ceiling was high and the wide entrance of the temple led to corridors lined with golden doors.

Dumaan kami sa iilang statues ni Aphrodite na nakahanay sa hallway nang makita namin ang isang kalapati na pinaikutan si Aphrodite bago bumaba sa balikat ng goddess.

Tumigil si Aphrodite sabay lingon sa ibon na nakaharap din sa kanya, at tumango-tango.

Nang makaalis na yung ibon, ay saka siya umikot para harapin kami. "The Fates will arrive a minute after midnight."

"Kailangan pa ba talaga naming maghintay?" tanong ni Thea.

"The Fates can only appear for a few minutes." pagbibigay-alam ni Aphrodite. "One of them already vanished, I think..."

Napasinghap si Art. "Agad-agad?!"

Tumango si Aphrodite. "The realm of time is in chaos, deities like them are the first ones to be affected."

"Wait..." Pumasok sa aking isipan ang isa pang deity of time. "How about Mnemosyne?"

"Long gone."

"Ano?!" Napasigaw si Thea dahil sa gulat.

Imbes na pagalitan si Thea na sinigawan siya, ay tumango-tango lang si Aphrodite na para bang inasahan na niya ang gano'ng reaksyon.

"To be honest, my days are numbered, as well. That is why, I bought all designer bags that I could before I vanish!" nananabik niyang sabi, na para bang nakakapanabik nga ang maglaho at tuluyang mabura mula sa realms.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon