Letting Go

44.8K 3.3K 2.2K
                                    

Chase's POV

Kinapa-kapa ko ang higaan habang nakapikit at nalamang wala si Ria sa tabi ko.

Agad akong napabangon. "Ria-"

Nakapantalon lang ako nang lumabas ako ng kwarto at nilibot ang buong ospital gamit ang ability ko.

Sa huli, natagpuan ko siyang nakatayo sa dulo ng rooftop, nakatalikod sa'kin at nakayakap sa sarili.

"Putang-" Lumapit ako sa kanya. "Ria!"

Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo. "What?"

"Nakalimutan mo na bang hindi ka mamamatay dito? Kahit tumalon ka pa diyan-"

"Who the fuck said I was going to jump?"

Napahinto ako.

Ah. Di pala siya tatalon.

"Ba't ka ba kasi nakatayo d'yan?!" galit kong tanong. "Para kang tatalon eh!"

Itong babaeng 'to ang hirap hulaan kung ano na naman ang trip niyang gawin. Bigla-bigla nalang naglalaho sa paningin ko kaya wala sa oras akong nag-aalala.

Humarap siya sa'kin. "What the fu- am I really that stupid to you?!"

Pagkatapos niya akong pagtaasan ng boses, napabuntong-hininga nalang ako saka tumabi sa kanya. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

Bahagya siyang sumilip sa ibaba. Napalunok siya bago sumagot. "I..."

Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin ang pag-iwas niya ng tingin, na para bang nahihiya.

"I want to fly, Chase." Nanliit ang kanyang boses. "I want to spread my wings again..."

Tinitigan ko siya. Wala lang. Bihira ko lang kasing makita ang isang anak ni Ares na nahihiya.

Umangat ang isang sulok ng aking labi.

Anak mo bro, nagpapa-cute.

"C-Chase!" Marahas niya akong sinapak sa dibdib dahilan na mapaatras ako. "Bingi ka ba?!"

"Gago-" Napahawak ako dito sa sakit. "Eh di lumipad ka!"

Napahinto siya pagkatapos kong sabihin 'yon. Kapansin-pansin ang paglalim ng bawat ginhawa niya.

"I can't." Nanghina ang kanyang boses. "I'm..."

Bahagya kong ipiniling ang aking ulo para suriin ang suot niyang ekspresyon. "Natatakot ka?"

Muli niyang inilihis ang landas ng kanyang paningin nang ilabas niya ang kanyang mga pakpak para ipakita sa'kin ang kondisyon nito.

May natitira pa ring sunog na nga bahagi sa pakpak niya, pero hindi na ito kasinglubha ng dati.

Sinubukan kong hawakan ang dulo ng pakpak niya ngunit hindi natuloy dahil kusang pumatong ang aking kamay sa buhok niya.

Parang kahapon lang, kasingpula ng apoy ang buhok niya. Ngayon, kakulay na nito ang abo na naiiwan sa tuwing namamatay ang apoy.

"I'm scared, Chase..."

Marahan ko siyang itinulak papalapit sa'kin at hinalikan ang kanyang noo.

Mag-iba ka man sa paningin ng iba, Ria, hinding-hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa'yo...

Kasunod akong bumitaw saka umatras. Natakpan ng anino ang kinatatayuan niya dahil sa dahan-dahan kong pagbukas ng aking mga pakpak sa likod.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon