Departing Ceremony

47.9K 3.5K 5.6K
                                    

Chase's POV

Tinignan ko silang lahat na napatayo nang i-anunsyo ang pagdating namin sa ceremonial hall. Nakakalat ang circular tables sa buong hall at sa kabilang dulo, sa mismong harapan ng platform, naroon ang dalawang mahahabang mesa na nakatapat sa isa't-isa.

Napabuntong-hininga ako nang magsimula na kaming maglakad patungo sa mahabang mesa na nasa gawing kanan, katapat ng staff at ng council.

Dumaan kami sa gitna, at kapansin-pansin ang pagyuko ng mga ulong nilalagpasan namin.

Gusto ko nang makauwi...

Nang makarating na kami ay napahinto ako.

Sobra. Sobra ng isa ang mga upuan.

Bilang paggalang na rin siguro sa kanya...

Umupo ako sa pinakadulo, at saka ko lang inilibot ang aking paningin sa buong hall. Sobrang lawak pa rin nito, at nakahanay pa rin sa magkabilang gilid ang mga istatwa ng Olympians.

Dumako ang mga mata ko kay Mama na nakaupo sa mesang pinakamalapit sa'min. Kasama niya rin sa iisang table ang pillars nung iba.

Bahagya niyang ipiniling ang kanyang ulo at nginitian ako.

Samantalang, panandaliang umangat ang isang sulok ng labi ko bilang ganti.

Nasa katabing mesa nila sina Heather, ang leader ng Huntres at si Kia, pinuno ng Amazons. Kasama rin nila sina Elpis, Medea, at si Galatea na nakaupo sa maliit na upuang nakapatong sa mesa.

Andito nga silang lahat...

Dahan-dahan akong napalingon sa bakanteng upuan na katabi ko. Nakalagay dito ang nakatiklop na graduation gown at cap.

Namuo ang isang malungkot na ngiti sa labi ko.

Bakit ba kita nakikitang suot 'yan?

Nilunok ko ang namumuong pagsisisi sa lalamunan ko.

Bakit pa ba ako pumunta rito kung alam kong magdudusa lang din naman ako?

Napatitig lang ako sa gintong gown at cap niya.

'I love you, Chastille...'

"Arianne," bulong ko.

'I'm scared, Chase... what if I can't fly anymore?'

Naramdaman ko na naman ang pamimigat ng mga luha ko na mabilis na namuo sa mga mata ko.

'Sometimes, the best thing you can do to a person you really love... is to let them go.'

Inangat ko ang aking kamay na inabot ko sa kanya sa rooftop, noong sinabi niya sa'kin na gusto niyang lumipad ulit.

'Bitawan mo'ko.'

Kinuyom ko ito.

'Let go of me, Chase.'

Hindi ko kaya.

"Students of Olympus Academy."

Bumalik ang aking diwa nang magsalita ang matandang lalaki na nakatayo sa gitna ng platform. Nakasuot siya ng makapal na robe. Kulay puti ito na may mga gintong detalye. Nagagayakan din ang dulo nito ng mga dyamante na paiba-iba ang kulay ng kinang.

Sa pagkakaalala ko, siya rin yung nag-host ng claiming ceremony namin.

"You have finally reached such moment," anunsyo niya. "The moment you have all been waiting for. The moment, you have all been studying and fighting for."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon