Trial II

48.3K 4.2K 9.4K
                                    

Cesia's POV

"...for attempting to murder your own sister."

Kailangan ko na silang maalis dito ngayon na.

Hindi ko na kaya.

Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Thea na nasa gitna.

"Thea..." mahina kong sambit.

Nagsimulang maluha ang kanyang mga mata, saka niya ako binigyan ng mapait na ngiti.

"Mmm." Humarap siya kila Zeus suot ang ngiting sinasalungat ang lubos na pamamasa ng mga mata niya. "N-Nadala kasi ako no'n kaya..."

Huminga siya nang malalim. "Kaya nagawa ko 'yon, p-pero hindi natuloy kasi pinigilan ko eh."

"You were the eldest and yet, you..."

"Mahina naman talaga ako noon pa." aniya. "Yung atensyon lang ni Mama ang tanging kinakapitan ko. Kaya nung dumating si Arah..."

"You tried to poison her, Thea."

Napayuko si Thea. "A-Alam ko."

Suminghot siya at kasunod na napasigaw, "P-Pero bumawi naman ako eh!"

"Ginusto ko nga siyang patayin noong nasa sinapupunan pa siya. Inaway ko si Mama dahil sa kanya, at nagtangka nga akong lasunin siya- pero b-bumawi naman ako..." Nanghina ang boses niya sa bandang huli, saka nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.

"Sinubukan ko namang maging mabuting kapatid sa kanya pagkatapos-"

"That is not enough." ani Zeus. "You still did what you did."

Hindi na nagsalita si Thea at nanatiling nakasayad ang tingin sa sahig.

"You have let hatred control you." Mariing sabi ni Zeus. "You may have stopped yourself from killing your sister, but you failed in controlling yourself. Thus, several lives were sacrificed."

Nakakunot ang noo ni Thea nang iangat niya ang kanyang ulo. Umiling-iling siya, tila hindi naniniwala sa narinig niya.

"Due to your carelessness, lives were lost, bodies were burned-"

"Teka. Wala akong naaalala na ganyan." ani Thea.

Pinadalhan siya ni Zeus ng nanunuring tingin. "Are you perhaps making the grevious mistake of thinking that I am lying... Thea?"

Nakakakaba ang tensyon na iniwan ng huling sinabi ni Zeus. Lumala ito dahil sa katihimikang sandaling bumalot sa buong silid.

"I-Imposible 'yan-"

"It is not. You set fire to an entire hospital and caused the death of a mother... and you traumatized a child, whose father has blamed him for negligence all his life."

Umikot si Thea para harapin sina Dio at Seht.

"D-Dio?" Nakakunot ang kanyang noo. "S-Seht?"

Parehong umiling yung dalawa.

Kasunod na dumako ang mga mata ni Thea kay Trev na umiling din.

Pagkatapos, binalik niya ang kanyang tingin kay Zeus na nakatutok sa kanya.

"Chase..."

Napahawak ako sa dibdib ko nang binagsakan ito ng bigat ng semento. Nangyari ito nang banggitin ni Thea ang pangalan ni Chase.

"S-Si Chase-" Akmang aalis siya mula sa platform niya nang pigilan ko siya.

"Thea, kumalma ka muna-"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon