The Final Summoning

43.5K 2.8K 2.6K
                                    

Thea's POV

Nakadungaw ako sa labas ng bintana nang mapansin ko ang isang sulat na may maliliit na pakpak. Lumapit ito sa'kin at saka ko ito kinuha.

Napangiti ako pagkatapos makita ang crest ng Academy sa wax stamp.

Agad ko itong binuksan at binasa ang laman.

Pa'no ba kasi, isang linggo kong hinintay 'to.

'To Thea, a Senior of the Alpha Class...

We are glad to inform you that the goddess Athena has deemed the results of your evaluations, 'worthy to be praised and acknowledged'.

Thus, we are pleased to announce, along with the council of Elders, that for your first attempt of the twelve trials set to determine your level in the Academy and in the realms, you have undoubtedly PASSED every one of them, surpassing our expectations!

We are hereby inviting you to join us tomorrow, for this year's Departing Ceremony not just as a student, but as a special guest.

Congratulations, demigod!'

"Hooo!" Napahawak ako sa dibdib ko at nagbuga ng hangin. "Gago-"

Umikot ako at nagmamadaling lumabas ng kwarto. 

"Maaaa!" sigaw ko habang tumatakbo. "Araaah!"

Nadatnan ko silang nasa sala, at sabay silang napalingon sa'kin.

Nginitian ko sila. "Nakapasa ako! Aaaaaah!" anunsyo ko, na may kasamang tili sa bandang huli.

Lumiwanag ang mga mata nila at nilapitan ako.

"Ate!" Lumundag-lundag si Arah sa harap ko. "Akala ko talaga hanggang sa ika-sampung level ka lang aabot!"

Kasunod akong napasimangot.

"Pero di bale na!" At hindi niya pa talaga napansin ang reaksyon ko sa sinabi niya. "Akala ko lang pala yun! Wahaha!"

Kinuha naman ni mama ang sulat mula sa kamay ko at binasa ito.

Umangat ang magkabilang sulok ng labi niya habang nakatuon dito at pagkatapos, ay inilipat niya ang kanyang tingin sa'kin.

"Alam mo na ba kung anong gusto mong gawin ngayong ga-graduate ka na?"

Umiling ako. "Si Seht na po bahala sa'kin."

Mabilis na nabura ang kanyang ngiti nang marinig 'yon.

"Syempre, joke lang 'yon, slight..." Natatawa kong sabi. "Wala pa, Ma, eh. Basta ang alam ko gusto ko munang magpahinga, magbakasyon kasama yung iba."

Nanumbalik ang kanyang ngiti, saka siya tumango.

"Pero..." Napaisip din ako. "Sa tingin ko, ipagpapatuloy ko pa rin ang trabaho ko sa Academy hangga't wala pang ibang anak si Hephaestus do'n, at gusto ko ring magturo, Ma, gusto kong ibahagi sa iba yung kaalaman ko sa mga makina, gano'n... at gusto ko ring mag-imbento pa."

"Mmm." Ibinalik niya ang sulat sa'kin. "Pa'no yung iba? Nabalitaan mo na rin ba kung ano yung mga resulta nila?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon