//27//

1.3K 24 1
                                        

Sorry for the wrong grammar and spelling. Don't forget to like and follow me on my account. Thank you

***

Howard POV:

"Wala pa kasi kayong alam. Hindi niyo pa alam kung anong hirap ang pinagdadaanan ngayon ni Mandy. Tayo ang may nagawang mali sa kanya. Kung malaman niyo lang ang totoo baka gawin niyo rin ito." Saad niya at tumingin kina Cannon at James

"Ano bang mali sa relasyon namin? Binawi ko lang naman kung ano yung akin. Masama ba yun?" Sagot sa kanya ni Minche kaya napunta ang tingin niya rito. Hindi siya makapaniwala sa naging Sagot nito.

"Dati yun nung hindi mo  siya iniwan noon. Pero iba na ngayon. Mag-asawa sila at may asawa ka rin. Wala ka bang konsensya?" Sambit niya

"Hindi ako ang dapat na makonsensya. Siya dapat. Siya ang dapat makonsensya at mahiya sa akin dahil inagaw niya sa akin si Marko. Malandi siya. Masama siyang babae dahil inaagaw niya ang pagmamay-ari ng iba." Lumakas na ang boses ni Minche. Si Marko naman ay lumapit

"Baka nakakalimutan mo na iniwan mo si Marko. Sinalo lang siya ni Mandy."

"Kahit na anong sabihin mo hindi nun mapapalitan ang katotohan na malandi siya, mang-aagaw at masamang tao. Hindi mo ba nakikita? Sinisira niya ang pagkakaibigan niyo. Sinisiraan niya lang tayo para mag-away away. Nananahimik na nga tayo tapos bigla siyang papasok ulit sa buhay natin para manggulo. Sinira na nga niya ang relasyon namin ni Marko tapos pati kayong magkakaibigan sisirain niya. Hayop talaga ang babaeng yun." Dahil sa narinig niya ay mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman niya. Mabilis siyang lumapit dito at hinigit ang braso nito na ikinadaing nito.

"Shut up! Kung makapagsalita ka parang ang tino tino mong babae eh mas masahol ka pa nga sa ahas."

"Nasasaktan ako, Howard." Sumilay ang sakit sa mga mata nito

"Howard, ano ba! Bitawan mo si Minche. Nasasaktan mo  na siya." Sigaw ni James at pilit siyang pinapalayo kay Minche. Tumulong din si Cannon kaya nailayo siya ng mga kaibigan kay Minche. Si Marko naman ay tiningnan ang braso ni Minche

"Are you okay?" Tanong pa ni Marko kay Minche at hinaplos ang pisngi nito bago tumingin sa kanya.

"Bakit ka ba nagkakaganito? Nagkita ba kayo ni Mandy? Ano bang sinabi niya sayo para magalit ka ng sobra." Imbis na sagutin ang Tanong ni Cannon ay hinarap niya ulit si Minche

"Wag mong ipasa kay Mandy ang kasalan mo. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang biglang pumasok sa buhay namin. Ikaw ang pinagmulan ng gulo. Masaya pa kami nung wala ka pero nung dumating ka nagkadaletse leste na ang buhay namin. Hindi lang buhay ni Mandy ang sinira mo pati buhay namin lahat. Delubyo ang dala mo sa amin. Napakasama mo. Wala kang kasing sama." Dinuro duro pa niya ito habang pinipigilan siya nina Cannon at James na makalapit kay Minche

"Ano bang nagawa kong masama sayo bakit mo ko tinatrato ng ganito. Pinakisamahan naman kita ng maayos. Naging mabuti akong kaibigan sayo pero bakit? Bakit ang sama sama mo sa akin ngayon?" Nagsimula na itong umiyak ngunit hindi manlang siya nakaramdam ng awa dito dahil mas matinding galit ang nangingibabaw sa kanya

"Yun nga din ang akala ko. Akala ko mabuti kang tao at hindi mo kayang manira ng buhay ng iba pero nagkamali ako. Ang akala ko matino kang babae, na hindi mo magagawang mang-agaw nang asawa ng iba kahit gaano mo pa kamahal si Marko pero maling mali ako. Dahil ngayon ko lang napagtanto na isa ka palang dispiradang kabit!"

Hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ni Marko at tumama sa kanya ang kamao nito na ikinabagsak niya sa sahig.

"Wag na wag mong pagsasalitaan si Minche ng ganyan kung ayaw mong kalimutan ko ang lahat ng pinagsamahan natin." Galit na sigaw sa kaniya ni Marko. Susugurin pa sana siya nito ngunit pinipigilan lang siya ni James at Cannon

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon