//14//

1K 17 0
                                    

***

Mandy POV:

Nasa isang cafe siya kasama si Rafael. Aksidente lang ang pagkikita nila dahil nagkataon na sa cafe ding ito si Rafael kaya nagsama na sila sa iisang table. Sumubo siya ng vanilla cake bago uminom ng cappuccino.

"Baka naman talaga nauntog yang asawa mo?" Saad ni Rafael at sumubo din ng vanilla cake.

"Ewan ko. Ang gulo niya. Hindi ko na siya maitindihan. Parang kahapon lang nung nag-aaway kami tapos biglang isang araw ang bait na niya na parang walang nangyari."

"O baka naman narealize na niya yung mga pagkakamali niya at narealize din niya na mahal ka pala niya. What do you think?" Umismid siya at iiling iling.

"Naguguluhan ako eh. Bakit ngayon lang niya narealize kung kailan dumating ang babaeng mahal niya. Hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko may kailangan lang siya sa akin kaya niya ginagawa ang mga bagay na yun." Naguguluhan niyang turan at tumingin sa labas ng labas ng cafe.

Gawa sa salamin ang cafe kaya kita niya ang mga taong naglalakad sa labas.

Imposible ang iniisip niya na mahal siya ni Marko. Paano yung narinig niya about kay Minche. Yung pakikipagkita ni Marko kay Minche at naganap na yakapan. Kahit pa na sabihing kasal na sa iba si Minche hindi parin maipagkakaila na mahal parin nito ang asawa niya. Batay narin sa kwentong narinig. Hindi pwedeng wala lang yung yakapan na yun.

"Paano kung kabaliktaran yun ng iniisip mo? Paano kung mahal ka talaga niya? Anong gagawin mo?" Untag sa kanya ni Rafael. Nakatitig ito sa mga mata niya. May kakaibang emosyon na nakabalatay sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan kung ano. Iwinaglit na lang niya yun at bumaba ang kanyang tingin sa kinakain niya.

"Hindi ko alam.... Nangyari na ito noon at ayoko ng maulit pa. Minsan na niya akong pinaasa na may pag-asa pang maayos ang lahat sa amin pero umasa lang ako sa wala... Hindi mo alam kung gaano kasakit ang umasa para lang sa wala.... Nagmukha akong tanga at dahil sa katangahan kong yun nawala ang pinaka importante sa buhay ko... Kaya hindi ko na alam kung paano pa siya pagkakatiwalaan."

Naalala niya ang nangyari noon 3 years ago. Akala niya sa tagal ng dalawang taon na pagsuyo niya kay Marko ay mamahalin na siya nito dahil sa nangyari sa kanila. Ibinigay niya dito ang pagkabirhin niya kasi akala niya mahal na siya nito. Sinuko niya ang lahat sa asawa niya ng gabing yun pero mali siya ng akala. Bumalik sa dati ang trato niya dito pagkagising nilang pareho sa iisang kama. Napakasakit pa ng sinabi nito sa kanya. Isa lang pagkakamali ang nangyari sa kanila at kahit na may nangyari na sa kanila ay hindi parin magbabago ang lahat.

Asang asa siya. Kaya magmula nung mangyari ang aksidenteng nagpabago sa buhay niya ay pinangako niya sa sarili niya na hindi na ulit siya magpapaniwala kay Marko. Tapos na ang pagiging martyr niya. Kaya lang ayaw niyang kumalas sa letseng kasal na yan dahil ayaw niyang magtagumpay ito sa pananakit sa kanya.

"Tama ang naisip na hindi muna maniwala sa asawa mo. Dahil kung ginawa niya ang mga bagay na yun mula ng dumating ang ex niya baka may binabalak talaga yun... Obserbahan mo muna ang bawat kilos niya bago ka maniwala... Mahirap na baka mangyari na naman yung nangyari sayo dati." Napatigil siya sa pagsubo ng marinig ang huling sinabi nito. Tiningnan niya ito ng nagtataka.

May alam ba ito sa nangyari sa kanya? Gusto niyang baliwalain ang sinabi nito pero parang may nag-uudyok sa kaniya na may ibig sabihin ang sinabi nito. Oo nai-kwento niya dito ang tungkol sa mga panluluko sa kanya ni Marko pero parang may ibigsabihin ang sinabi nito. Parang pinapahiwatig nito ang tungkol sa nangyaring aksidente sa kanya 3 years ago. Para kasing ganun pero never niyang kinowento sa iba yun maging sa pamilya at mga kaibigan.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon