***
Mandy POV:
Life is full of surprises and she witnessed all those surprises because of her husband. Yung asawang niya na halos ipagtabuyan siya at ipamukha sa kanya na hanggang sa papel lang ang kanilang pagsasama na kahit na anong gawin niya ay hindi niya mapapantayan ang babaeng minamahal nito. Yung gulat, pagtataka at mga agam agam na bumabagabag sa kanyang isipan dahil kay Marko ay hindi mawala sa kanyang isipan.
Hindi siya nagulat sa pagsugod sa kanya ni Minche dahil ang mas ikinagulat niya ay ang mga sinabi nito na may nararamdaman na si Marko sa kanya. Hindi niya magawang maging masaya sa balitang iyon dahil mas nangingibabaw ang sakit sa kanyang puso. Nakipaghiwalay si Marko kay Minche dahil hindi na Ito sigurado sa nararamdaman nito, kung mahal pa ba nito ang babaeng minahal mula pa noon o hindi na kaya yung nararamdaman nito sa kanya ay wala ring kasiguruhan kayat hindi siya maaaring umasa dahil paniguradong masasaktan na naman siya sa huli.
Hanggat hindi sigurado si Marko at hindi pa ito umaamin na mahal na siya nito ay hindi niya maaaring tibagin ang pader na itinayo niya dahil maaaring si Minche parin ang mahal nito.
"Alam kong mali ang ginawa ko at hindi ko na iyon maibabalik pa pero maniwala ka na pinagsisihan ko ang ginawa kong iyon. Kulang pa ang salitang sorry sa dami ng mga ginawa ko."
Naalala pa niya ang mga binitawang salita ni Marko sa kanya dalawang araw na ang nakakalipas. Pero tama ito, kulang ang salitang sorry para makabawi ito sa kanya.
.
.
.
"Ang ganda ganda talaga ni mam no?"
"Tama ka. Bagay na bagay pa sa kanya ang suot niyang wedding gown at hindi lang yun, sobrang bagay din sila ni Sir Marko. Tingnan mo oh. Nakakainggit sila."
"Ang pinagtataka ko lang, bakit nambababe si Sir kung na kay ms. Mandy na ang lahat ng pwede niyang mahanap sa isang babae.... Tingin mo, ano kayang itsura nung kabit? Maganda din kaya siya tulad nung amo natin?"
Napatigil sa gitna ng hagdanan nang marinig ang usapan ng dalawa niyang katulong. Hindi siya tumuloy sa pagbaba at pinakinggan ang usapan ng dalawa. Hindi rin naman siya kita ng mga ito dahil nakatuon ang kanilang atensyon sa wedding portrait nila ni Marko na nakasabit sa dingding.
"Alam mo, Linda, kahit na gaano kaganda ang isang babae o kahit na gaano nila kamahal ang isat isa, hindi talaga maiiwasan na may isang magluluko. Hindi yun mawawala sa isang relasyon dahil wala namang perpekto sa mundo."
"Tama ka, pero iba naman kasi ang sitwasyon ng amo natin. Hindi ko ma pinpoint kung bakit nangangaliwa si Sir samantalang halatang halata naman na mahal niya si mam. Napansin mo rin naman yun diba?"
Tama si Jacel sa tinuran nito kay Linda ngunit ang mali ay ang tinuran nito na hindi maiiwasan na may magluko dahil pwedeng pwede naman itong iwasan kung nasa matinong pag-iisip ang isang lalaki at yun ang kaso ni Marko. Alam na nito na kasal sila at may asawa na si Minche pero nagawa pa nitong patulan.
"Napansin ko nga rin yun. Mahal ni Sir Marko si ms. Mandy pero hindi yun kasing tibay ng bakal na hindi madaling wasakin. Sa napapansin ko, ang pagmamahal ni Sir kay ms Mandy ay parang isang pader na madaling tibagin sa isang bang----"
"Kayong dalawa, kanina ko pa kayo hinahanap, nandito lang pala kayo. At ano naman yung narinig ko. Ang aga aga pa pinagchichismisan niyo na agad yung buhay ng amo natin? Gusto niyo bang mawalan ng trabaho dahil diyan sa makakati niyong dila?"
Hindi niya narinig ang Huling tinuran ni Jacel dahil sa pagdating ni Dalia.
"Grabe ka naman Dalia. Pinag-uusapan lang naman namin kung bakit nambababae si Sir, yun lang."
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
