//59//

1.1K 16 1
                                        

***

Marko POV:

Humahangos na dumating si Marko sa bahay nila ni Mandy at mabilis niyang pinuntahan ang kwarto nito ngunit hindi niya nadatnan doon ang asawa.
Bumagsak ang kanyang balikat. Isang araw nang hindi umuuwi si Mandy sa bahay nila at gustong gusto pa naman niya itong maka-usap ngunit ni anino nito ay hindi niya makita. Bumaba siya sa sala at pasalampak na umupo sa sofa. Napahilot siya sa sintido habang malalim na nag-iisip.

Bumabagabag parin sa kanya ang sinabi ni Mandy na nagkaroon sila ng anak. Bakit hindi niya alam ang tungkol dun? Posible nga na nabuntis niya ang asawa dahil sa nangyari sa kanila noon pero ang hindi niya maitindihan ay kung bakit ito itinago sa kanya ni Mandy sa loob ng tatlong taon?

"Sir, may bisita po kayo." Pangbasag ng isa nilang katulong sa katahimikan. Kumunot ang kanyang noo dahil wala naman siyang inaasahang bisita at isa pa ayaw niyang i-intertain ito dahil magulo pa ang isip niya sa mga nalaman.

Bago pa siya makapagtanong ay bumungad sa kanya ang tatlong tao na pumasok sa pintuan nang kanilang bahay. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na napatayo. Bakit ngayon lang sumagi sa isip niya ang parents niya at ang father-in-law niya? Siguradong tungkol ito sa video na kumakalat ngayon sa social media kaya nandito ang parents nila ng asawa niya.

"Mom, Dad." Saad niya nang makabawi siya sa pagkabigla. Hindi niya magawang lapitan ang mga magulang dahil sa Malamig na tingin ng mga ito sa kanya. Napadako ang tingin niya sa father-in-law niya na walang kaemo-emosyon.

"P-Papa...." Iyon lang ang kanyang nasabi dahil nahihiya siya rito. Hindi niya naalagaan si Mandy at ang malala ay ilang beses niya itong nasaktan. Alam niya kung gaano kamahal ni mr. Rivera ang anak nitong si Mandy na kahit lamok ay ayaw nitong padapuan sa anak pero nung makasal sila ay napagbubuhatan niya ito ng kamay dahil sa galit niya rito.

"Tutunganga ka lang ba diyan? Hindi mo manlang ba ipapaliwanag ang video na kumakalat tungkol sa pangangaliwa mo, tungkol sa panluluko mo sa asawa mo?" Mahinahong tanong ng Mom niya pero nandoon parin ang bawat diin sa mga salitang binibitawan nito.

"Bakit ayaw mong magsalita? Naputol ba ang dila mo pagkatapos mong lukuhin ang anak ko?"  Dagdag na turan ng kanyang father-in-law.

"I-I'm sorry." Dalawang kataga lang ang kanyang nasambit dahil wala na siyang maisip na sasabihin. Hindi rin siya pwedeng magdahilan dahil mas lalo lang siyang maiipit at mas lalo lang niyang masasaktan ang asawa.

"Sorry? After mong lokohin ang asawa mo yan lang ang masasabi mo?.. Hindi apology ang gusto kong marinig. Ang gusto ko sabihin mo sa akin kung bakit umabot sa ganito ang lahat.... My god, son! I can't believe na magagawa mo to and of all people yung babaeng yun pa talaga napili mong patulan?" Bulyaw ng Mommy niya sa kanya.

"You know the reason, Mom. I was in love to her kahit nung iniwan niya ako. Nabulag ako ng pagmamahal ko kaya kahit kasal na kami ni Mandy, nakipagbalikan parin ako sa kanya."

"I know that you love that slutty woman so much pero kahit na gaano mo siya kamahal wala ka paring karapatan na lokohin ang asawa mo. Hindi mo manlang ba inisip ang mga taong nakapaligid sayo, ang mga taong masasaktan mo dahil sa mali mong desisyon sa buhay?" Saad pa nito at dinuro siya kaya natahimik na lang siya at wala sa sariling napasabunot sa buhok at umupo sa sofa. Nakatingin lang sa kanya ang tatlo pero siya ay hindi na makapag-isip pa ng mabuti. Kailangan niyang maka-usap si Mandy.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon