//17//

1.2K 20 0
                                        

Vote vote lang po dear readers. Follow me on my account, too if you want. Haha. Enjoy. Muah!!!😘😘

***

Marko POV:

After ng naging pag-uusap nila ni Mandy ay umalis na siya ng bahay. Hindi na rin siya natulog doon. May sarili siyang kwarto sa loob ng opisina niya. Pinasadya talaga ito dahil kapag marami siyang trabaho ay dito na siya natutulog o di kaya kapag nag-aaway sila ni Mandy.

Tinigil niya ang ginagawa niya ng marinig ang katok sa pinto ng kanyang opisina.

"Come in." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Pumasok naman sa loob ang bago niyang sekretarya na lalaki. Yes. Lalaki. Ayaw na niyang makipagtalo kay Mandy dahil lang dito. Pinipilit na nga lang niya na makipag-ayos dito dahil ayaw talaga ng asawa niya sa ginagawa niya.

Atsaka simula nung maisipan niyang makipag-ayos dito ay wala na siyang inintertain na babae. Hindi niya alam kung dahil ba kay Minche kaya tumigil na siya sa pambababae o dahil kay Mandy. Naguguluhan na siya sa nararamdaman niya.

"Sir, may bisita po kayo." Yumuko sa kanya si Allan.

"Papasukin mo." Sagot niya dito. Tumango sa kanya si Allan at muling lumabas. Binaba niya ang hawak niyang ballpen at ini-angat ang mukha ng marinig niya ang muling pagbukas ng pinto.

Nanlaki ang mata niya ng mapagsino ang taong pumasok sa opisina niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa babae. Ang akala niya ay hindi na ito magpapakita sa kanya nang sabihin niyang lubayan na siya nito pero hindi pala.

Ngumiti sa kanya ang babae at lumapit sa table niya. Magkaharap na sila. Siya ay naka-upo sa swivel chair niya samantalang ang babae ay nakatayo sa harap niya. Ang tanging pagitan lang nila ay ang table sa gitna.

Ipinatong ng babae ang dalawa niyang kamay sa table at inilapit ang mukha nito sa kanya. Hindi niya mahulaan kung ano ang gagawin nito pero laking gulat niya nang maglapat ang kanilang mga labi. Hinalikan siya nito at hindi man lang niya magawang itulak ang babae.

Ilang sigundong magkalapat ang kanilang mga labi bago nito inilayo ang sarili at nakipagtitigan kay Marko na gulat na gulat parin.

"Hi babe. Miss me?" Nakangiting turan ni Minche sa kanya at hinaplos din nito ang kanyang pisngi hanggang sa mapunta ang kamay nito sa labi niya at iyon ang hinaplos. Hindi nito alintana ang table na nasa pagitan nila.

Nang bumalik siya sa ulirat ay tumayo siya at tinanggal ang kamay ni Minche sa labi niya.

"Hindi mo dapat ginawa yun." Pagalit niyang sabi at lumayo dito. Sinundan lang siya ng tingin ni Minche

"Why? Hindi mo ba yun namiss? Naalala mo ba nun, palagi natin itong ginagawa lalo na kapag sabik na sabik na tayo sa isat isa." Pang-aakit nito sa kanya. Lumapit pa ito sa kanya at punulupot nito ang mga braso sa bewang niya at isinandal pa ang ulo sa dibdib niya.

"Dati yun, Minche. Nung tayo pa pero hindi na ngayon. So please. Stop." Binaklas niya ang braso nito na nakayakap sa kanya.

Pero mukhang hindi parin natinag ang babae dahil muli niyang inilapit ang sarili sa kanya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon