//35//

1.4K 21 1
                                        

***

Khalifa POV:

Si Mandy at Chola ay nasa school na samantalang siya ay paparating pa lang dun. Nagkaproblema kasi sa dress niya kaya kailangan pa niyang ayusin. Hindi pa naman siya late sa party dahil 15 minutes pa bago mag start. Nang makarating na siya ay bumaba na siya ng kotse at tinungo na ang entrance ng University.

Nakatingin siya sa phone niya habang naglalakad at sa paglalakad niya ay may nakabangga siyang tao. Nahulog ang phone niya at ganun din ang hawak nung babaeng nabangga niya.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Sira na nga ang gabi ko dadagdagan mo pa!" Dinig niyang sigaw nito kahit na magkalapit naman sila pero kahit na sinisigawan siya nito ay humingi parin siya ng paumanhin.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mabangga ka." Paghingi niya ng paumanhin at pinulot ang dalawang phone. Pinantayan niya ang babae upang ibigay dito ang phone nito ngunit napatitig siya dito nang makilala kung sino ang babaeng kaharap niya.

"What?" Mataray na saad sa kanya ni Minche at inagaw sa kanya ang phone nito. Mukhang hindi pa siya nito namumukhaan.

"At last, nagkita rin ulit tayo. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na to." Saad niya. Kaya pala palengkera ang ugali nito dahil si Anaconda lang pala itong nakabangga niya. What a small world.

"Excuse me? What the hell are you talking about? And who the hell are you?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pero tinaasan lang niya ito ng kilay.

"Hindi mo na agad ako makilala? How sad." Kunwari ay malungkot ang kang itsura. Humawak pa ito sa dibdib niya pero kalaunan ay ngumiti rin. "But it's okay. Ayoko rin naman na may nakakakilala sa akin na kampon ni satanas baka malasin pa ako sa buhay and worst baka bangungutin pa ako." Dagdag pa niya na para bang kinikilabutan. Sinamaan siya nito ng tingin at biglang nanlaki ang mata nang may maalala. Paano ito nagawang patulan ni Marko eh bukod sa dispirada na nga, ulyanin pa.

"Naalala ko na. Ikaw si Khalifa, one of her minions." Nakangisi na ito

"Tanga ka ba? Mukha ba akong color yellow sa paningin mo? Hindi diba?Hindi ko maitindihan kung paano ka nagawang patulan ni Marko sa dami ng kapansanan mo." Sumama ang tingin nito sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Excuse me? Wala akong kapansanan for your information. I'm perfect from head to toe."

"Anong wala? Bakit, hindi ba kapansanan yang pagiging katangahan mo? Hindi lang yan, ang pagiging bobo, gold digger, mang-aagaw, uhaw sa lalaki, kabit, at pagiging despirada, kapansanan rin yan at lahat ng yun na sayo lahat. Nung nagpa-ulan si satanas ng mga kademonyuhan sa mundo, sinalo mong lahat. And for your information hindi ka perfect from head to toe dahil pinaritoke mo lang naman yang ilong at mata mo, pati na rin yang dibdib mo na halos lumuwa na. Atsaka pwede ba wag mong dalhin dito yang ugali mong palengkera. Nag America ka nga pero ugaling eskwater ka parin."

"You bitch. How dare you!?" Umuusok na ang ilong nito sa galit

"And you're a desperate bitch."

"Ok. Fine. Nagparetoke nga ako pero hindi ako tanga at lalong hindi ako mang-aagaw. Yung kaibigan mong haliparot ang mang-aagaw. Si Mandy ang ahas at despirada dahil alam niyang hindi niya sa akin makuha si Marko kaya ginamit niya ang papa niya at ang pera niya. Ang akala niya maaagaw niya sa akin si Marko nang buong buo pero dun siya nagkakamali dahil kahit na anong gawin niya, ako parin ang mahal ni Marko. Ako parin ang kinahuhumalingan niya kahit na limang taon na silang kasal. At Kahit na mamatay siya, hinding hindi niya mararamdaman ang pagmamahal ni Marko."

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon