//06//

1.5K 25 3
                                        

Guys magkakaroon po tayo ng games. Naisip ko po ito para naman may mapagkukuhanan ako ng inspiration sa inyo reader.

Every end of chapter ay may mga question ako na kailangan niyong sagutin. Thank you.         

Just comment down your answer. Ok? Okay!
  

***

Mandy POV:

"Thank you sa pagtulong mo sa akin." Kausap niya si Amanda. Siya ang tumulong dito kaya utang niya dito ang buhay niya.

"Walang anuman po mam. Masaya ako na ligtas po kayo." Sagot sa kanya ni Amanda habang Nakangiti ito sa kanya.

"Aalis ako ngayon. Ikaw na ang bahala dito." Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Amanda. Tuloy tuloy lang itong lumabas ng office.

Lumabas na siya ng company at pinuntahan kung saan nakapark ang kotse niya. Nang makarating siya dito ay sumakay na siya. Pinaharurot niya ang kotse patungo sa cemetery. Maaliwalas ang kalangitan. Tamang tama dahil hindi niya kailangang maghabol ng oras. Nang makarating na siya ay tinanggal na niya ang seatbelt niya. Kinuha niya ang bulaklak sa passenger seat at tuluyang lumabas.

Tumigil siya sa isang puntod. Ngumiti siya dito kahit na wala ng buhay ang naroon. Alam naman niya na pinapanood siya nito mula sa langit. Nilapag niya ang bulaklak pagka-upo niya. Tinggal din ang mga dahon na nagkalat.

"Hi. Did you missed me. Kasi ako miss na miss na kita. Sorry kung ilang buwan na akong hindi nakakadalaw sayo. Naging busy kasi ako trabaho. " Pagka-usap niya dito. Hinahaplos din niya ang pangalang naka-ukit dito.

"Sinaktan na naman niya ako. Emotionally. Kung nandito ka lang sana hindi ako ganito kalungkot ngayon. Tatlong taon na rin nung huli kitang makita. Hindi ko manlang nasilayan kung ano na ng itsura mo ngayon o kung gaano ka na kaganda ngayon." Patuloy na Pagka-usap niya dito. Siguro kung may makakakita sa kanya baka mapagkamalan pa siyang baliw. Pero okay lang at least gumagaan ang loob niya kapag kausap niya ito.

"Malapit na ang birthday ko. Magsi celebrate na naman akong mag-isa. Alam mo gustong gusto kong umiyak pero ayaw manlang tumulo ng mga luha ko. Tatlong taon na nung huli akong umiyak yun yung araw na nawala ka sa akin. Hanggang ngayon wala parin kahit gaano pa kasakit ang nakikita at nararamdaman ko." Kumuyom ang kanyang mga palad ng maalala niya kung paano ito nawala sa kanya. Ang pinakamasakit na nangyari sa buhay at pagkatao niya.

Nawala bigla ang gusto niyang sabihin nang biglang dumilim. Uulan ba ngayon? Maaliwalas naman kanina ah.

Tumingala siya at sa pagtingala niya ay isang panyo ang sumalubong sa kanya. Akala naman niya uulan na. Yun naman pala may epal. Tiningnan niya ang may-ari ng panyo. Nakangiti Ito sa kanya. Alam niya na inaabutan siya nito ng panyo. Tinabig lang niya ang kamay ng lalaki bago kinuha ang bag at tumayo. Aalis na lang siya. Hinarap niya ang lalaki.

"Hindi ko kailangan yan." Masungit na sabi niya rito. Hindi naman niya Ito kilala tapos biglang lalapit sa kanya.

"Ang akala ko kasi umiiyak ka." Saad ng kaharap niya habang tinatago ang panyo sa bulsa ng suit nito. Napairap na lang siya sa hangin. Inaamin niya na guwapo ito at mukhang may lahing foreigner. Matangkad rin ito at maputi. Pero wala siyang pakialam.

"Buang ka ba. Nakikita mo ba itong pisngi at mga mata ko. Walang bahid ng luha tapos sasabihin mo na baka umiiyak ako. Tss. Magsalamin ka sa susunod. Malabo na yang mga mata mo." Pagtataray na lang niya dito at akmang aalis na siya ay pinigilan siya ng lalaki.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon