***
Mandy POV:
Hindi pa siya nakakababa ng hagdan ay rinig na rinig na niya ang boses ni Marko na parang natataranta.
Muli siyang naglakad pababa ng hagdan at naabutan niya si Marko na may kausap na dalawang lalaki habang may buhat ng mga ito ang isang napakalaking wedding portrait.
"Anong ginagawa mo?" Nakuha na niya ang atensyon ng tatlo at tumingin sa gawi niya. Naglakad siya palapit habang hindi maalis ang paningin sa wedding portrait nila ni Marko. Sinira na niya ito hindi ba?
Tumingin si Mandy sa asawa nang walang emosyon. Sininyasan ni Marko ang dalawang lalaki na umalis muna. Mabilis na sumunod ang dalawa at naglakad paalis dala ang wedding portrait nila na ayaw na niyang makita.
"Pinaayos ko agad ang wedding portrait natin. Para kasing may kulang sa bahay kapag wala yun." Sagot ni Marko at sumilay sa wedding portrait na dala dala ng mga inutusan niyang lalaki.
"Hindi mo ba naitindihan ang ibig kong sabihin nang sirain ko yun?"
"I know?" Mahinang Sagot ni Marko at tumingin sa kanya.
"Kung ganun bakit mo parin ibabalik? Ayokong makita ang portrait na yun dahil lalo ko lang naiisip ang mga panggagago mo sa akin for the past 5 years. Kahit nga ang suotin ang wedding ring natin hindi ko na masikmura, ang makita pa kaya ang sarili ko na kasama ka." Pagalit na Sagot ni Mandy at pinakita pa dito ang daliri na walang suot suot na wedding ring.
"Mag-asawa parin tayo Mandy at pareho nating hindi gusto na maghiwalay kahit na magkaiba ang gusto nating mangyari sa marriage natin. Ginagawa ko ito para masanay ka ulit na kasama ako. Buo parin ang loob ko na muli mo akong mapapatawad at matupad ang pangarap mong Masayang pamilya." Sagot sa kanya ni Marko ngunit tinawanan lang ni Mandy ang sinabi nito bago sumagot.
"Wag mo ng ipagpilitan ang gusto mong mangyari dahil wala paring magbabago sa sitwasyon natin. Sa mata ng batas, mag-asawa parin tayo pero para sa akin, matagal nang tapos ang lahat ng meron sa atin. Mula sa pagiging magkaibigan hanggang sa pagiging mag-asawa natin. Tapos na lahat.... Kapirasong papel na lang ang nag-uugnay sa ating dalawa, Marko. Pirma ko lang ang kulang at hindi na tayo magkikita ulit." Ani Mandy at tinalikuran na si Marko.
Pinagdiinan pa niya ang dalawang salita upang makuha talaga nito na wala na siyang kainte-interes na maayos ang marriage nila. Naglakad siya palabas ng bahay at sumakay na ng kotse niya. Pinaharurot niya ito papunta sa direksyon ng kompanya.
Samantalang si Marko ay naiwan lang sa sala nang hindi manlang gumagalaw sa kinatatayuan nito.
_______
Third person POV:
Habang nasa loob ng sasakyan ay Masayang masaya si Minche na naka-upo sa front seat. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi at pasulyap sulyap niyang tiningnan si Marko na tahimik lamang na nagmamaneho habang diretso ang tingin sa daan.
Sobra yung gulat sa mukha niya nang makita si Marko sa harap ng bahay ng pinsan niyang si Emma.
"Marko? Y-you're here." Di makapaniwalang saad ni Minche dahil pagkabukas na pagkabukas palang niya ng gate ay si Marko ang bumungad sa kanya. Nagulat siya sandali at kalaunan ay gumuhit ang napakalawak na ngiti sa kanyang labi at mabilis na sinunggaban ng yakap si Marko.
"Akala ko hindi mo na ako pupuntahan. Alam mo ba na lagi nang sumasama ang pakiramdam ko dahil kay baby? Pinapahirapan niya ako dahil siguro nalulungkot siya na wala ka sa tabi namin para alagaan kaming dalawa. Nandito ka ba para sunduin kaming dalawa? Magsasama na ba tayong tatlo?" Humiwalay siya ng yakap dito at pinagmasdan ang mukha ni Marko. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Marko at sobrang miss na miss na niya ito.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
