//21//

1.3K 19 0
                                        

***

Mandy POV:


Nasa loob lamang siya ng kotse niya at nakatungo ang kanyang ulo sa Manebela. Halos labing tatlong minuto na siyang nasa loob ng kotse at hindi parin niya magawang umalis dahil sa bumabagabag sa kanyang isipan.

"I'm sorry Ms. Mandy but your husband is not here."

"Alam mo ba kung saan siya pumunta? I just need to talk to him right now."

"I'm sorry but I really don't know where he goes."

"One last question. Alam mo ba kung saan siya madalas pumunta."

"No Ma'am. Hindi niya po ako sinasama  sa mga lakad niya kung walang business na involve."

"Ganun ba? Okay. I'll go ahead."

Umayos siya ng pagkaka-upo bago huminga ng malalim. Papaandarin na sana niya ang kotse ng mag vibrate ang phone. Kinuha niya ito at tiningnan. Isang message galing sa unregistered number. Kahit na nagtataka ay binuksan parin niya ang laman ng message at hindi niya inaasahan ang kanyang makikita. Umawang ang kanyang labi at nanginig ang kanyang kamay hanggang sa nahulog ang phone sa kanyang kandungan.

Tiningnan niya ang phone sa kandungan niya na nakabaligtad. Naglandasan ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Kahit na nanginginig ang kanyang mga kamay ay kinuha parin niya ang phone niya at muling tiningnan ang picture na sinend sa kanya ng kung sino. Binasa rin niya ang caption na nakasulat sa bawat picture.

'Hey mrs. Santillan. Maganda ba ang kuha ko sa asawa mo? He's so handsome right? and...Look how he sleep, it's so cute and...... looks..so tired. Maybe because of what we did a while ago. He's so unstoppable and I really really love how he was rough with me. So fantastic."

'Ganito rin ba siya kapagod kapag magkasama kayo sa kwarto? Umm, Maybe no, I think? Hahahaha.'

'I hope you like my advance gift to you, Mrs. Santillan? No worries, marami pa akong ipapakita sayo.'

Pinunasan niya ang pisngi at pilit na pinapatahan ang sarili. Inistart niya engine at pinatakbo papunta sa bahay nila. Base sa nakita niyang mga litrato ay ang kanyang asawa ang nandoon. Picture lang ni Marko ang sinend sa kanya na natutulog sa kama at tanging kumot lang ang bumabalot sa kahubaran nito. Hindi niya alam kung sino ang nagsend sa kanya ng mga litrato pero isa lang ang nasisiguro niya, sa pangalawang pagkakataon ay pinaasa na naman siya ni Marko na aayusin nito ang relasyon nila dalawa. At asang asa na naman siya. Bakit siya nagpadala sa mga salita nito at mga salita nito. Alam na dapat niya ang totoong pagkatao ng asawa. Mali ang naging desisyon niya at buti na lang hindi niya agad nasabi kay Marko ang Sagot niya para sa second chance na hinihingi nito.

"You will gave him a chance?" Hindi makapaniwalang tanong ni Khali. Nilingon ko siya at tumango bago tumingin sa kalangitan. It's been 4 days pero hindi parin umuuwi si Marko.

"Yeah. I think this is a right decision for now... and... I want to prove something about his confession to me." Sagot niya

"And what something behind his confession?" Nagtatakang tanong ni Khali sa kanya.

"To prove if he really mean it, to work our marriage just like how I imagined before our vows 5 years ago or ..... he's just doing it on purpose." Sagot niya dito habang sa kalangitan parin nakatingin.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon