//71//

1.2K 20 1
                                        

***

Third person POV:

"Couz, alin sa tingin mo ang maganda? Red or black?" Pinagsasalitan ni Minche ang dalawang sexy dress na itapat sa kanyang katawan habang nakaharap sa human size mirror.

"Kailangan mo ba talagang pumunta dun? Minche, wag na lang kaya. Ikaw ang sanhi ng hiwalayan ni Marko at Mandy kaya baka ibunton sayo ng mga kaibigan nila ang galit nila sayo, your are pregnant at baka mapahamak kayo ng baby mo. Ang mabuti pa, maghintay na lang tayo ng balita at pahupain muna ang sitwasyon bago ka ulit lumapit kay Marko at sa mga magulang niya." Nag-aalalang turan ni Emma sa pinsan dahil naalala parin nito ang sagutan ni Minche at ng ina ni Marko.

"Emma. Emma. Emma." Binaba ni Minche ang hawak na dress at lumingon sa pinsan nang may nakapaskil na ngiti bago ulit magsalita. "Relax. Masyado kang natetense. Stop it, masama yan sa baby mo.. Hindi naman ako gagawa ng gulo. Pupunta lang tayo dun para mawitness na makalaya ang soon to be husband ko sa kamay ng despirada niyang asawa. At gusto kong makita ang itsura ng babaeng yun habang pinipirmahan ang annulment papers. Kaya dapat maging maganda ako sa harap nila at maipamukha kay Mandy na ako na bagong reyna. Hindi ko to pwedeng palampasin, couz.. This is the most exciting part of my life that I don't wanna miss. Did you get my point?" Kinindatan pa ang pinsan bago ipagpatuloy ang pagtingin sa mga dress na nakapatong sa kama.

"Pero paano kung totohanin ni mrs. Sunny ang banta niya sayo? Paano kung saktan ka nila... Minche, isipin mo rin naman na may sanggol kang kailangan protektahan. Wag puro sarili mo lang. Magiging ina ka na. Ano ba!" Hindi na napipigilan ni Emma na magtaas ng boses dahil sa katigasan ng pinsa.

Muli siyang nilingon ni Minche na may naglalarong ngiti sa labi habang itinuturo ang sarili. "Ako, sasaktan nila? As if naman na kaya nilang gawin yun. Hanggang salita lang ang matandang yun at pati na rin yung mga kaibigan ni Mandy.... Kung hindi nga lang kay Marko, matagal ko ng pinatulan yung Nanay niya. Laging epal sa mga plano ko."

Hindi na nakapagsalita pa si Emma dahil sa inaasta ni Minche. Hindi na rin naman niya alam kung paano pa pakikiusapan ang pinsan dahil baliwala lang dito ang lahat ng sinasabi niya kayat tumahimik na lang.

"OMG! I found the right one." Kinuha ni Minche ang revealing dress na color white at pinakita sa pinsan. "Wait here, okay? Susukatin ko lang ito and please.. be happy for my success, can you?... Ipakita mo naman na masaya ka for me... Kokoronahan na nga ang bagong reyna and yet nakasimangot ka pa. Smile, okay. I'll be back." Kinindatan pa niya si Emma na hindi na maipinta ang mukha dahil sa katigasan ng ulo niya.

Ilang minutong naghintay si Emma sa kwarto nang magbukas ang pinto ng banyo at lumabas doon si Minche na suot suot ang revealing white dress. Naglakad ito sa harap at wala siyang nagawa kundi ang titigan ang kabuuan ng pinsan habang umiikot at dinadama ang nalalapit na tagumpay.

"Ang ganda diba? Fit na fit sa akin, parang kami ni Marko, bagay na bagay sa isat isa.... Salon na lang ang kulang at ready na akong tanggapin ang crown. San kaya maganda magpasalon, dapat yung kayang kayang ilabas yung tunay kong ganda na kapag nakita ako ni Marko ay ako lang ang makikita niya hanggang sa marealize na ako parin talaga..." Humarap ito sa salamin at pinagmasdan ang kabuuan.

"Minche, please. Makinig ka naman sa akin." Tumayo si Emma sa pagkaka-upo habang nagmamakaawa ang boses nito pero parang walang naririnig ang huli.

"Finally! The day has come... Few days from now, magiging isa na akong Mrs. Santillan... Naeexcite tuloy ako sa upcoming wedding namin. Mabuti na lang at sexy parin akong tingnan. Ang pangit naman kung bloated ako sa gown ko." Muli nitong tiningnan ang sarili sa salamin.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon