//78//

1.4K 15 3
                                        

***

Third Person POV:

"Wag kang lalapit sa akin at wag na wag mo kong hahawakan dahil mapapatay kita!" Kahit na anong awat ni Howard at ng mga kasama kay Marko ay hindi parin nila ito mapigilan na sugurin si Minche at dinuro duro ito na lalong nagpapasakit sa dalaga ngunit kinakailangan parin niyang patatagin ang sarili upang makamit ang gusto nito.

"Dahil sa kasinungalingan mo nasaktan ko ang asawa ko. Nawala sa isip ko na mahal ko siya, na siya dapat ang kailangan kong protektahan dahil sa sobrang pag-aalala ko sa sanggol na gawa gawa mo lang!... Napagsalitaan ko ang asawa ko ng masasakit na salita at naibalik ko ang mapait niyang alaala dahil lang sa kasinungalingang itinatak mo sa utak ko!" Pagpapatuloy ni Marko at sa bawat kataga na kanyang binabanggit ay may poot ng galit na hindi mapapantayan o mapagbabayara.

"Please, Marko maniwala ka naman sa akin oh. Ako ang nagsasabi ng totoo... Si Mandy...g-ginagawa lang niya ito para makaganti sa atin. Hindi ka na niya mahal, gusto ka lang niyang mag suffer sa ginawa mo sa kanya at sa anak niyo..." Puno ng hinanakit na sambit ni Minche habang hinuhuli ang mga mata ni Marko ngunit galit lang ang nakikita niya rito.

Nang walang makitang awa sa mga mata ni Marko ay mabilis niyang nilingon ang pinsan na nanonood lang sa kanila at nagmakaawa ang mga mata niya rito. "Emma, tulungan mo ko. Ikaw ang nakakaalam ng totoo. Sabihin mo sa kanila na buntis talaga ako at hindi ako nagsisinungaling. Please Emma."

Si Marko na kumalma na at hindi na sinusugod si Minche ay lumingon rin kay Emma. Ganun din si Cannon, James at Howard na hinihintay rin ang sasabihin ni Emma.

Dahil sa tingin na ipinupukol nina Marko, Minche at mga kasama nito kay Emma ay parang na pressure tuloy siya at hindi makabuo ng kahit isang salita.

Naging salitan ang tingin nito kay Minche at kina Marko. Sino nga ba ang dapat niyang piliin, Si Marko at Mandy ba na biktima ng kasamaan ng pinsan niya o si Minche na walang ginawa kundi ang isipin lang ang sarili nito kahit pa makatapak ng iba?

Ngunit kailangan niyang pumanig sa katotohanan at wakasan na ang kasamaan ni Minche kahit gaano pa ito kahalaga sa kanya.

Lumingon na si Emma kay Minche at tinitigan muna niya ang dalaga na may pagmamakaawa sa mga mata nito at nakiki-usap na siya ang piliin at kampihan.

"Minche... hindi maaaring magbuntis ang babaeng may menstrual period and as of this moment..... you have your menstruation."

Dahil sa sinabi ni Emma ay tuluyang nanlambot ang mga binti ni Minche dahil bumagsak na ang kanyang mga plano. Napanganga siya sa realisasyon na tuluyan na siyang tinalikuran ng nag-iisa niyang kakampi sa buhay at dahil doon ay muling nagsibagsakan ang kanyang mga luha.

Napa-iling siya habang nag-uunahan ang kanyang mga luha dahil sa sunod na binigkas ni Emma.

"Mismong doctor na ang nagsabi, Minche. Isa na yung matibay na ebidensya na ikaw ang talaga nagsisinungaling. Gawa-gawa mo lang ang pagbubuntis mo at......" Pinahid ni Emma ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata habang hindi inaalis ang tingin sa pinsan."....p---pati ako niloko mo. Pinlano mong gamitin ako para alam mong may kakampi sayo oras na magkaproblema ka."

Nanginginig ang katawan ni Minche habang dahan dahan siyang lumingon kay Marko at pipi siyang napahikbi nang makita ang mukha ng lalaking kanyang pinakamamahal na ngayon ay mawawala na sa kanya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon