//12//

1.4K 23 0
                                        

I dedicate this part to Ms. @KarlaKayeOrtis. Enjoy reading my story.  Thank you sa full support mo.

***

Mandy POV:

Nauna na siyang sumakay ng kotse ni Marko habang hinihintay niya ito. Simpleng white dress lang ang suot niya above the knee. Nakapony tail din siya. Kung titingnan parang may date siya sa ayos niyang ito pero hindi. Nagseat belt siya ng sumakay na si Marko. Pinaandar na niya ito. Tahimik lang silang dalawa sa loob ng kotse. Spell awkward. Tss.

Natuon ang kaniyang tingin sa kamay ni Marko. Suot nito ang weeding ring nilang dalawa. For the first time huh. Sa nakalipas kasi na taon ay hindi nito sinusuot ang wedding ring nila. Ibang singsing ang suot niya. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang totoong itsura ng wedding ring nila.

Tumingin si Marko sa kanya at nagtaka ito dahil kanina pa siya nakatingin sa kamay nito.

"Why? Is there any problem?" Tanong ng kanyang katabi. Iniwas niya ang tingin at tinuon ang mga mata sa labas ng bintana.

"Nothing." Baliwala niyang sagot. Hindi niya alam kung tama ang sagot niya o dapat na magtanong siya. Kaya lang hahaba lang ang usapan. Binalik naman ni Marko ang tingin sa labas ng wala itong makuhang sagot sa kanya.

Napa-igtad siya ng biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito at binasa kung sino ang caller. Napangiti siya ng makita niya na si Rafael iyon. Hindi na siya mabo-bored. Agad niya itong sinagot.

"Rafael, napatawag ka?" Umpisa niya.

"Wala lang. May gagawin ka ba ngayon? Labas tayo. Friendly date."

"Baliw. Kakikita lang natin kahapon atsaka busy ako ngayon marami akong gagawin. Sa susunod na lang yang friendly date mo." Natatawa niyang turan. Nabaling bigla ang tingin niya sa katabi niya dahil sa kanina pa niya nararamdamang nakatingin ito sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin at patuloy na kina-usap si Rafael.

"Ang kj mo. Tss. Kung bakit naman kasi tambak yang trabaho mo. Hayy." Narinig pa niya ang pagbuntong hininga ng nasa kabilang linya.

"Para ka namang pinagsakluban ng langit diyan sa buntong hininga mo. Ang lalim eh." Nakikita parin niya sa peripheral vision niya ang pagtitig sa kanya ni Marko pero hindi na niya ito pinapansin.

"Okay fine. Next time na lang. Maghahanap na lang ako ng pagkakaabalahan. Take care. Bye."

"Hmm... You too, bye." Binaba na niya ang tawag.

Ang asawa naman niya ang binalingan niya ng tingin. Si Marko na nakatingin sa kanya habang may pagdududa sa kanyang mga tingin. Alam na niya ang mga tinging yun.

"Oh common, don't look at me like that.. Kung iniisip mo na may lalaki ako pwes diyan ka nagkakamali. Never kong naisip na bumaba sa lebel mo. Tss." Saad niya dito at tinuon ulit ang tingin sa harap. Hindi niya narinig na nagsalita ang katabi niya. Buti naman.

Nakarating na sila company na wala paring nagsasalita sa kanila. Nauna na siyang bumaba at pumasok sa loob ng building. Naramdaman na lang niya na nasa tabi niya si Marko na sumasabay sa kanya sa paglalakad.

Nang makarating na sila sa palapag ng office ng Daddy niya ay pumasok na silang dalawa. Nadatnan nila sa loob ang ama niya. Ang akala niya ay si Marko lang ang kakausapin nito pero tinawagan siya nito kaninang umaga lang.

"Kanina ko pa kayo hinihintay. Have a Sit."

Umupo na silang dalawa. Pero siya ay sa pang-isahang sofa umupo. Ayaw niyang makatabi ang asawa niya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon