***
Mandy POV:
Pagkahatid sa kanya ni Rafael sa bahay niya ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Dumiretso agad siya sa kusina para uminom ng tubig. Bumalik agad siya sa sala at napansin niya na wala dito ang asawa niya. Hindi rin siguro iyon natulog dito sa bahay nila. Baka dun na naman yun umuwi sa bahay ng kabit niya.
Umakyat na siya sa kwarto niya upang maligo. Masakit ang ulo niya pero kailangan parin niyang pumasok sa trabaho kaya lang magtatanghali na kaya napagpasyahan niyang bukas na lang pumasok sa trabaho. Humilata siya sa kama niya at nag-isip kung ano ang pwede niyang gawin bukod sa uminom nang uminom.
Tatambay na lang siguro siya dito sa bahay at manonood. Wala rin naman siyang ganang magtrabaho. Bumangon na siya sa pagkakahiga at napagpasyahan nang maligo muna. Nagpadeliver na lang din siya ng food dahil wala rin siyang ganang magluto. Maliligo na muna siya habang hinihintay ang food panda delivery.
__
Ilang oras na siyang nakahilata sa sofa at nanonood ng Netflix. Tiningnan niya ang oras sa phone niya. 4 pm na pala. Bumangon siya sa pagkakahiga sa sofa at napagpasyahang linisin ang mga kalat na pinagkainan niya.
Pumasok siya sa kusina upang ilagay sa basurahan ang naipon niyang kalat. Pagbalik niya sa loob ng sala ay siya ding pagbukas ng main door at pumasok doon si Marko. Inalis niya ang atensyon niya dito at tinuloy ang kanyang paglilinis. Lumapit sa kanya si Marko at hinawakan siya sa braso.
"We need to talk." Saad nito. Napansin niya na seryoso ito at mukhang galit ito dahil sa timpla ng mukha nito. Ano na naman ba ang ikinagalit nito?
"Later. Nakita mo may ginagawa ako diba?" Mataray niyang saad at binaklas ang pagkakahawak sa kanya ni Marko sa braso.
"Importante ang pag-uusapan natin." Malamig nitong saad sa kanya. Huminga siya ng malalim at muli itong tiningnan
"Kung tungkol sa pambababae mo ang pag-uusapan natin, no need na lang dahil hindi naman na sa akin yun importanti. Sarilihin mo na lang yang problema mo at wag mo na akong idamay." Muli niya itong tinalikuran dala ang isang baso ngunit muli siya nitong hinila sa braso paharap dito. Dahil sa bigla nitong pagkakahila sa kanya ay nahulog ang basong hawak niya at naglikha ito nang malakas na tunog sa buong kabahayan.
"Kausapin mo ako ng maayos at tigilan mo yang ginagawa mo dahil makakapaghintay pa yan." Asik nito sa kanya. Napairap siya sa ere dahil sa inis at muli niyang binawi ang braso sa pagkakahawak nito.
"Kung gusto mo kong kausapin nang maayos, tratuhin mo rin ako ng maayos at wag kang basta basta uuwi dito at manghihila ng braso dahil hindi nakakatuwa yun... Ano bang problema mo at bigla bigla mo ako ditong susugurin kung kailan nananahimik ako?" Sigaw niya dito.
"Gusto mong malaman kung anong problema ko? Ikaw. Ikaw ang problema ko. Nagalit sa akin si Mommy dahil sayo." Dinuduro siya nito at sa inis niya ay sinampal niya ang kamay nito at tiningnan ito ng masama.
"At ano namang kinalaman ko sa galit sayo ni Mama? Hindi ko naman isinumbong sa kanya yung mga katarantaduhan mo ah." Sinabunutan nito ang sariling buhok. Nasisiraan na ito ng bait. Parang may gusto itong sabihin sa kanya pero hindi nito masabi.
"Layuan mo ang lalaking yun."Bigla nitong turan. Si Rafael ba ang tinutukoy nito? Nagkakilala na ba sila?
"At sino ka para utusan ako? At isa pa bakit ko naman siya lalayuan? Hmm? Give me one valid reason kung bakit kailangan ko siyang layuan." Paghahamon niya dito. Hindi ito nakapagsalita kaagad at natahimik lang ito sa kinatatayuan niya hanggang sa maka-isip na ito ng sasabihin.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
