//55//

1.2K 18 2
                                        

***

Minche POV:

Nakatingin lang siya sa malaking building sa kanyang harapan. Ang kompanyang pag-aari ni Rafael Walker. Ang lalaking makakatulong sa kanya sa problema niya. Humingi na siya dito ng tulong noon para mabawi si Marko sa walanghiya nitong asawa pero hindi ito pumayag. At ngayon ay kukombinsihin niya ulit ang binata at kapag hindi pa ito ulit pumayag ay siya ang gagawa ng paraan at sisiguraduhin niya na sa mas masakit na paraan niya gagawin ang plano niya. Yung tagos sa pagkatao ni Mandy.

"You're here again?" Nadinig niya ang boses sa kanyang likuran at hinarap iyon. Slam na niya kung kanino ang boses kaya nakangiti niyang hinarap si Rafael na nakatayo sa kanyang likuran.

"So, hindi ko na pala kailangan na puntahan ka sa office mo." Nakangiti niyang saad at sinulyapan ng tingin ang kompanya.

"Kung ano man ang pakay mo sa akin, pwes wag mo akong idamay sa kalukuhan mong yan Minche. Umalis ka na." Malamig na turan ni Rafael.

Pinagmasdan niya ang binata mula ulo hanggang paa at ang napapansin niya ngayon ay mukhang kagagaling lang nito sa gulo o sa heartbreak dahil mapula ang mata nito galing sa pag-iyak at parang may nakapalibot dito na masamang araw.

"Wag ka namang ganyan sa akin. Sinadya pa kitang puntahan tapos hindi mo ko kakausapin. That's bad." Sa halip na tanungin kung ano ang nangyari dito ay hindi na lang niya pinansin. Alam naman niya na si Mandy ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang binata.

"Sabihin mo na lang kung ano ang pakay mo sa akin tapos umalis ka na." Sagot ni Rafael. Tumango siya at muling nginitian ang binata.

"Okay, fine. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nandito ako para hingin ulit ang tulong mo and I think na hindi mo na ulit ako tatanggihan. Right?..... Hindi mo kailangang magdalawang isip dahil may makukuha ka rin naman sa gagawin natin, hindi lang ako. So, ano? Agree ka na ba?" I Inextend niya ang kamay upang makipag-areglo dito ngunit tiningnan lamang ni Rafael ang kamay niya at Malamig siyang tiningnan.

"No and I will never agree with your stupid idea. Mahal ko si Mandy at hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong masasaktan siya. I am not desperate like you, Minche, kaya wag mo nang ipagpilitan yang gusto mo dahil kahit na anong sabihin mo hindi mo ko mapapapayag. Umalis ka na." Naibaba niya ang kamay dahil hindi manlang ito tinanggap ni Rafael. Kahit na anong gawin talaga niya ay hindi niya mapilit ang lalaking ito.

"A desperate bitch. Tsk." Natatawa niyang ani at pagak na tumawa. "Lahat kayo ang tingin sa akin despirada.... Edi sige. Kayo na ang tama. Ako na ang mang-aagaw, ako na ang malandi. Ako na ang despirada pero wala na akong pakialam sa mga sasabihin niyo. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi inaagaw ng babaeng yun ang pag-aari ko." Matalim niyang dugtong. Ngunit Tinawanan lang siya ni Rafael na para bang may nakakatawa siyang sinabi kahit wala naman. Umiiling iling ito habang nakatingin sa kanya at dahil sa ginagawa nito ay nakaramdam siya ng inis dahil parang katawa tawa lang dito ang nararamdaman niya. Pagkatapos nitong tumawa ay sumeryoso na ang itsura nito.

"Walang inaagaw sayo si Mandy. In fact, ikaw lang ang nag-iisip nun.... You know what, Minche, tanggapin mo na lang na kahit na anong gawin mo hindi mo mapapaghiwalay si Mandy at Marko. Kaya kung ako sayo sumuko ka na dahil hindi ka na bahagi ng buhay ng lalaking kinababaliwan mo, yan ang itatak mo sa isipan mo. We are not part of their picture anymore. Tama na ang pagiging despirada, Minche."

"Oh shut up. Hindi mo alam ang pinagdaanan namin ni Marko kaya itikom no yang bibig mo.... Despirada na kung despirada pero at least ginagawa ko ang makakaya ko para mabawi ang alam kong akin. Hindi ako tulad mo na nagkakasya lang na panoorin mula sa malayo ang taong mahal niya. Hindi ako bathala na magagawang magpaubaya para sa kaligayahan ng iba. Hindi ako ikaw." Sarkastiko niyang Sagot kay Rafael.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon