***
Third Person POV:
"Sigurado ka na ba diyan sa nararamdaman mo, Marko? Tatapusin mo na ba talaga ang relasyon niyo ni Minche?" Napatigil si Marko sa ginagawa nang magtanong si Howard sa kanya. Nakatingin ito sa kanya habang hinihintay ang kanyang Sagot. Ganun ang iba pa niyang kaibigan na naghihintay ng kanyang Sagot.
Kung pagkukumparahin kung sino ang mas matimbang ngayon kay Marko, hindi siya magdadalawang isip na si Mandy ang kanyang pipiliin. Inaamin niya nung una na wala siyang pakialam sa asawa ngunit habang lalong lumilipas ang araw ay hindi na mawala sa kanyang isipan si Mandy.
"Yes." Disedido niyang sagot at tumingin kay Howard. Napag-isipan na niya kung sino ang gusto niyang manatili sa tabi niya at iyon ay ang asawa niya.
Hindi na ganun kabigat ang nararamdaman niya kay Minche hindi tulad dati. Aside from that ay malaki rin ang pinagbago ni Minche na hindi niya kayang tanggapin. Hindi niya lubos maisip na magagawang magsend ni Minche ng mga malalaswa nilang picture kay Mandy. Nung nagkabalikan sila ay Masayang masaya siya pero hindi yun nagtagal dahil pakiramdam niya ay may kulang parin sa kanya. Kahit na kasama na niya ang babaeng minamahal ay parang may kulang parin sa pagkatao niya na hindi niya mapangalanan kung ano hanggang sa unti unting pumapasok sa kanya ang imahe ng asawa na kamasa ang kaibigan nitong lalaki na si Rafael.
"Ano na ba sayo ngayon si Mandy?" Si James naman ang nagtanong sa kanya. Matagal siya bago makasagot.
"To be honest, I don't know. Hindi ko alam kung ano na ba sa akin ngayon ang asawa ko. Kahit ako naguguluhan. All I know is that I don't wanna lose her. Tuwing iisipin ko na mawawala siya sa akin, parang hindi ako nakahinga. Pakiramdam ko masisiraan ako ng bait tuwing iisipin ko yun. Hindi naman ako ganito kay Minche noon. Ewan ko ba." Natawa siya ng pagak dahil sa kanyang sinasabi.
Hindi naman ganito ang nararamdaman niya nung una silang makasal ni Mandy. Mas okay pa nga sa kanya noon na kusa siyang iwan ni Mandy dahil ang ibigsabihin lang nun ay makakalaya na siya at makakasama na niya ang totoong minamahal pero ngayon, iba na. Hindi na niya kayang mawala ang asawa niya at makita itong may kasamang ibang lalaki.
"I think you love her." Napatingin silang tatlo tatlo sa sinabi ni Cannon. Nakangiti Ito habang sumisimsim sa hawak nitong wine.
"Mahal mo na ang asawa mo pero hindi mo lang kayang i-admit sa sarili mo dahil kay Minche. Siya din ang dahilan kung bakit ka naguguluhan. Para sayo, si Minche ang mahal mo pero natatakot kang mawala sayo si Mandy at ang ibigsabihin lang nun, ang asawa mo talaga ang mas matimbang diyan sa puso mo." Seryuso nitong dagdag. Nakatingin lang sa kanya si Marko kaya ipinagpatuloy nito ang sinasabi.
"Pero hindi dapat ganito, Marko. Kailangan sigurado ka kung sino ba talaga ang mahal mo. Kasi, para sa akin, si Mandy talaga ang mahal mo base na rin sa mga sinabi mo pero hindi naman ako ikaw. Nasa sayo parin ang desisyon, ikaw lang ang makakapagdecide kung ano ba talaga ang nararamdaman mo at kung sino ba talaga ang laman niyan" Huling sabi ni Cannon at itinuro pa ang kanyang dibdib at dahil dun ay nakapag-isip siya ng malalim.
Sa ngayon hindi pa siya makapagdecide pero darating rin ang araw na iyon.
Nawala lang ang atensiyon nila nang biglang bumukas ng malakas ang pinto at pumasok si Minche ng tuloy tuloy habang nakangiti.
"Hello there guys. Hi babe." Kumaway ito sa mga kaibigan niya at lumapit sa kanya. Dumukwang ito sa desk niya upang halikan siya pero bago pa lumapat ang labi nito ay tumayo na siya.
Napatigil naman si Minche sa posisyon niya at nawala ang masaya niyang itsura ngunit kalaunan ay ngumiti lang din ito ulit. Tumayo siya ng maayos at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
