Don't hesitate to vote guys and follow me on my account, too.
***
Mandy POV:
Nang marinig na ni Mandy ang alarm clock ay bumangon na siya. Tumingin siya sa teresa na nakalimutan niyang sarhan dahil sa sobrang pagod. Pagod na nga siya sa trabaho sumasabay pa pati puso niya. Hayyyy buhay. Bumangon na siya para gawin ang morning rituals niya. Hindi naman pwede na pumasok sa opisina na hindi manlang nag-aayos. She want to be presentable in front of her employee.
Lumabas na siya ng pinto at pinagmasdan ang kabilang kwarto. Hindi na naman umuwi ang magaling niyang asawa. Tss. Ano pa bang aasahan niya.
Bumaba na siya ng hagdan at pumunta sa kusina. Doon niya naabutan ang asawa na mag-isang nagkakape. Umuwi pala ito. Tiningnan lang siya ng asawa. Pagkaraan ng ilang minuto ay inalis nito ang tingin sa kanya na para bang hindi siya nakita.
"Himala! May nakain ka ba kaya nandito ka sa bahay ng ganito kaaga? Usually kasi tanghali ka na pumasok o di kaya sobrang aga. Minsan nga hindi ka na umuuwi dit-----Oppsss palagi pala, hindi minsan. Sorry my fault. So What happened?" Saad niya habang nagtitimpla din ng kape. Hindi siya nakatingin dito pero alam na niya kung ano ang pinupukol na tingin nito sa kanya.
"It's none of your business." Malamig na sagot ng kanyang asawa
Tumawa naman siya atsaka humarap dito. "Okay. If you say so." Sagot na lang niya. Uminom sila ng kape ng sabay pero napakatahimik. Parang nasa isa kang haunted house sa sobrang tahimik. Ganun.
"By the way may lakad ka ba ngayon? Your Mom called me. Gusto niyang mag dinner tayo with them." Pambasag niya sa katahimikan. Hindi man lang siya nilingon nang kaharap na tila wala siya dito. "Hello? Am I talking to a ghost? Are you one of them? Speak. Hindi ka naman pipi diba? Nakaka-ungol ka nga ng malakas pagsagot pa kaya sa tanong ko." Saad ulit nito. Mukhang nakuha naman niya ang atensiyon nito dahil tumingin na ito sa kanya.
"May lakad ako. It's important." Sagot nito sa kanya. "Then cancel it. May mas mahalaga pa ba sa family mo bukod sa mga kabit mo? It's just a business. Hindi ka mawawalan ng million dollars.....Oh..Don't tell me na makikipagkita ka sa isa sa mga kabit mo?" Pambabara nito. Sinamaan naman siya ng huli pero siya nakataas noo lang. Ano namang ikakatakot niya. Napagbuhatan na nga siya ng kamay ito pa kaya na masasamang tingin lang.
"Why do you care? Mind your own business." Bulyaw nito sa kanya. Hmm. So tama siya. Kabit nga niya. Hindi ba ito nagsasawa. Halos araw araw nagpapalit ito ng babae.
Hindi siya natinag sa masamang tingin nito. There's nothing to be scared of.
'Why would I?!'
"I care and you are my business. Kung gusto mo naman ako na ang pupunta ng personal sa babae mo to cancel your date with her. Just tell me her address." Napaigtad naman siya ng bahagya nang hampasin ng asawa niya ang table. Nakatayo na ito at nakatingin sa kanya ng masama. Siya naman ay walang kareak reaksyon na nakikipagtitigan sa asawa.
"Shut up. As I said earlier mind your own business. Don't try me Mandy." Malamig nitong turan at tinalikuran na siya. Napabuntong hininga na lang siya. As expected hindi ito makikinig sa kanya. Bakit sino ba siya? Asawa lang naman siya sa papel at hanggang dun lang yun.
Napasandal na lang siya sa upuan at tinitigan ang nilabasang pinto ng asawa niya kani kanina lamang. Nakahawak ito sa sa wedding ring nila at pinapaikot ito sa palasingsingan niya pero hindi inaalis. Mannerism na niya ito sa nakalipas na limang taon.
'Hanggang kailan, Marko.' Sa isip isip niya.
Huminga siya ng malalim bago tumayo. Wala naman siyang magagawa kung uupo lang siya dito. Marami pa siyang kailangan tapusin sa opisina. Atsaka ayaw na rin niyang makita ang asawa. Makita lang niya ito ay nasusuka na siya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
