//28//

1.3K 16 5
                                        

***

Mandy POV:

Naikwento na niya lahat kay Chola at Khali ang lahat. Yung tungkol sa pagkalaglag ng batang nasa sinapupunan niya at yung pagkawala ng pang-amoy niya. Ngayon ay naiitindihan na ng mga ito ang lahat lahat kung bakit lagi siyang naoospital dahil sa panis na pagkain na nakakain niya sa kadahilanang hindi niya maamoy ang pagkain. Alam na rin ng mga kaibigan niya ang dahilan kung bakit hindi na niya dinadalaw ang Mommy niya sa loob ng 3 taon, nahihiya siya dito dahil hindi niya naprotektahan ang anak niya. Ito rin ang main reason kung bakit hindi niya magawang hiwalayan si Marko. Ayaw niyang maging malaya ito at makasama ang totoong minamahal samantalang siya ay naghihirap.

Tatlong araw na nung sinabi niya sa mga kaibigan ang naging buhay niya sa loob ng tatlong taon simula nung mamatay ang anak niya kaya magmula nun ay lagi na siyang dinadalaw ng mga ito.

"I wonder, ano kaya ang magiging reaksyon ni papa M kapag nalaman niya ang tungkol sa pagkawala ng anak niya?" Tanong ni Chola at tiningnan ang mga kaibigan.

Nandito sila ngayon sa cafeteria ng kompanya. Hindi pa lunchbreak kaya walang katao tao dito sa cafeteria kaya malaya silang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Marko dahil wala namang makakarinig sa kanila. 1 hour pa naman bago mag lunch.

"Yun nga din ang gusto kong makita. Gusto ko siyang makita na nakaluhod sa puntod ni Samantha at humihingi ng tawad." Sang-ayon ni Khali sa tinuran ni Chola.

"I want to see him too, begging for forgiveness but.... that's will never be happen dahil hinding hindi niya malalaman ang tungkol kay Samantha. Never." Pinal niyang sabi at nagpatuloy sa pagkain.

Kaninang umaga lang ay may nagsend na naman sa kanya na mga picture ni Marko kasama ang kabit nito ngunit hindi pinapakita ang mukha nung babaeng kasama ni Marko. Pero kahit naman itago nung babae ang mukha nito ay alam naman niya kung sino iyon. Alam niyang si Minche ang kabit ngayon ng asawa niya at ito mismo ang nagpapadala sa kanya ng mga litrato.

"Nga pala, may matanggap ba kayong invitation galing sa Oxford University?" Pag-iiba ng usapan ni Chola.

"Yeah." Sagot niya

"Of course. Atsaka common sense naman bakla, reunion yun ng University na pinagtapusan natin, malamang invited din tayo. Ano ba naman yan." Umiiling na turan ni Khali kay Chola. Tinarayan naman siya ni Chola

"Tinanong ko lang naman. Ano? Pupunta ba kayo?" Tanong muli nito

"Of course. Party yun no. Hindi ko yun palalampasin. Pero si Mandy ang hindi pwedeng mawala dun dahil siya ang pinakamahalagang guest. You know, being a summa cum laude."

"You have a point." Sang-ayon ni Chola

Pero kung siya ang papipiliin ay ayaw niyang pumunta sa reunion na iyon. Alam lahat ng buong students ng University na mag-asawa sila ni Marko at for sure na nandun din sa party si Marko. Kaya lang kailangan talaga niyang pumunta bilang paggalang rin sa dati niyang mga professor.

"Pero ang tanong pupunta ka ba?" Siya na ang binalingan ng tingin ni Chola. Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Yeah. I have no choice. Pinuntahan ako mismo ng prof natin kahapon at siya ang nagbigay ng invitation para makasiguro daw siya na pupunta ako. Nakakahiya naman kung tatanggi ako diba?"

"By the way, ikaw na pala ang bahala sa susuutin natin sa party. Wala kasi ako time for that. Alam mo naman ang theme ng party diba?" Bumaling siya kay Khali

"Yeah. Ako na ang bahala sa susuutin natin. Next month pa naman yung reunion." Sagot nito

Alam naman ni Khali ang susuutin nila basta alam din niya kung anong theme ang party. Fashion designer si Khali samantalang si Chola ay interior designer.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon