//58//

1.1K 19 4
                                        

***

Mandy POV

"Wag mo sabi akong hahawakan!" Buong lakas nitong sigaw habang nakapikit nang mariin. Muli siyang dumilat at tumingin sa sinapupunan ni Minche kaya biglang pumasok sa kanyang isipan ang sinapit ng kanyang anak dahil dito at sa asawa niya. Ang sakit marinig na magkakaanak na ang dalawang taong sumira sa buhay niya ay pumatay sa nag-iisa niyang anak. Ayaw niyang maniwala ngunit totoo na maraming beses nang may nangyari sa asawa niya at sa kabit nito kaya hindi na nakakapagtaka na mabuntis nito si Minche.

"Ang hirap mong mahalin Marko. A-ang s-sakit s-sakit magmahal ng k-kagaya mo." Nahihirapan niyang saad. Tumingin siya sa mga mata ni Marko. Pinupunasan niya ang kanyang luha ngunit patuloy parin itong nagsisilaglagan.

"P-patawarin mo ko Mandy. Babawi ako wag mo lang akong iwan. Hindi ko kakayanin Mandy." Ani Marko at may pagsusumamo sa mga mata nito ngunit umiling ulit siya.

"Mas hindi ko kakayanin kung patuloy kong makikita ang pagmumukha ng babae mo.... Umalis kayo sa kompanya ko kung ayaw mong ipakaladkad ko yang babaeng yan." Saad niya at dinuro si Minche na masamang nakatingin sa kaniya.

"Please..." Sunod sunod lang siyang umiling at hindi na pinatapos magsalita si Marko at tinuro ang labas ng kompanya. "Kung gusto mo pang masilayan ang bastardo mo mas mabuting sundin mo na lang ako..... Hanggang kaya ko pang magtimpi umalis na kayo sa harap ko. Umalis ka na at isama mo yang kabit mo!" Sunod sunod ang kanyang naging paghinga at pumikit nang mariin upang pigilan ang sarili na masaktan ulit si Minche. Alam niya ang pakiramdam na mawalan ng anak kaya hanggang kaya niyang magtimpi ay gagawin niya.

Siya na ang unang tumalikod upang umalis ngunit hindi pa siya nakakalayo ay napigilan na siya ni Marko. Hinawakan nito ang kanyang kamay upang pigilan pero agad din niya itong binawi.

"TAMA NA!" Sigaw niya at mabilis na humarap dito at ginawaran ng isang malutong na sampal na ikinaatras ni Marko.

"Hindi pa ba sapat ang mga narinig ko? Kulang pa ba?.... Ano pa ang gusto mong idagdag?.... Makikipaghiwalay ka ba sa akin para makasama yang peste mong mag-ina? Yun ba?" Saad niya at binalingan muli si Minche. Pinunasan niya ang kanyang luha at blangkong binalingan si Marko. "Kaya lang pasensya ka... Kahit na magkakaanak na kayo ng pesteng babaeng yan, hinding hindi ko sayo ibibigay ang kalayaan mo. Kahit delubyo na ang pagsasama natin wala akong pakialam. Ipaparamdam ko sa inyo ang impyernong pinagdadaanan ko. Hanggang nakatali ka sa akin hinding hindi niyo makukuha ang buong pamilya na matagal niyo ng pinapangarap. Ito ang kapalit ng pagsira niyo sa buhay ko." Muling nagsilaglagan ang kanyang mga luha dahil hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili.

"Marko, hindi pa ba sapat ang pagpapahirap at panluluko mo sa akin? Kulang ba sayo ang limang taon? Hindi pa ba sapat itong mangyayari sa akin ngayon? Huh!... Hindi pa ba sapat ang pagkawala ng anak ko!?...Ano pa bang gusto mong kunin sa akin eh walang wala na nga ako. Kinuha niyo nang lahat diba. Yung pang-amoy ko, Yung masaya kong buhay, yung kalayaan ko, yung anak ko. Lahat yun kinuha niyo sa akin! Wala na!" Sa sobrang galit niya ay nasabi na niyang lahat ang matagal na niyang gustong isumbat kay Marko.

Samantalang si Marko ay parang naistatwa sa sa kinatatayuan niyo dahil sa narinig at parang naging blangko ang utak nito at ang pumapasok lang ay ang salitang anak. Si Amanda na nakatayo mula sa tabi nila ay napatakip ng bibig dahil sa sobrang gulat. Lalo ring lumakas ang bulungan.

Sa isang tabi naman ay hindi nabigla si Minche sa halip ay ngumisi lang ito.
"Pwede ba Mandy, kung gagawa ka lang ng naman ng kwento, yung makatotohanan sana... Paano kayo nagkaroon ng anak eh wala ngang nangyari sa inyo ni Marko kahit isang beses. Wag kang magpat-----."

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon