***
Third person POV:
Hindi parin makapaniwala ang mag-asawang Santillan habang naka-upo sa kanilang harapan si Minche na nakangiti at naka cross arms pa. Wala silang balak na mag-asawa na makita ulit ang babaeng kaharap ngunit ito na mismo ang lumapit sa kanila.
May business meeting ang mag-asawa kasama ang new investors sa isang sikat ng restaurant. Nang matapos ang meeting at paalis na ang mag-asawa ay bigla na lamang lumitaw si Minche at lalo silang hindi makapaniwala sa sinabi ng dalaga.
"Kumbinsihin niyo si Marko na piliin niya kaming mag-ina niya over his wife. May obligasyon siya na kailangan niyang gampanan."
"Wala ba talagang kahihiyan diyan sa katawan mo at nagawa mong magpakita sa amin in a public place pagkatapos mong sirain ang buhay ng anak ko at ang asawa niya. At nagawa mo pa talagang ipakilala ang sarili mo sa mga ka business meeting namin as my son's girlfriend and soon to be wife? Hindi pa naghihiwalay ang dalawa pinapangunahan mo na." Mahinang Sagot ni Mrs. Sunny Santillan ngunit nandun parin ang galit sa boses nito maging ang posture nito. Binaliwala lang ni Minche ang sinabi nito at sumagot ng pabalang.
"Dun rin naman kasi papunta kaya bakit pa patatagalin hindi ba?" Ani Minche na parang siguradong sigurado ito na siya ang pipiliin ni Marko dahil sa baby na dinadala nito. "Apo niyo tong dinadala ko Tita... Tito, hindi ba kayo masaya na magkakaapo na kayo? diba ito naman ang matagal niyo nang hinihintay na mangyari sa anak niyo, ang magkaroon siya ng anak at kompletong pamilya and basically ako lang ang nakapagbigay nun kay Marko at hindi ang asawa niya."
"Dahil pumapel ka sa kanilang mag-asawa. Nakisawsaw ka sa relasyon ng iba at pinaniwala mo ang sarili mo sa elusyon na meron pa kayo ng anak ko kahit tapos naman na talaga noon pa ang lahat ng meron sa inyo. At pwede ba, wag na wag mo kong tatawaging Tita. Hindi dahil magkakaroon na kayo ni Marko ng anak eh natatanggap na kita, hindi Minche. Not in a million decades na matatanggap ko na maging parte ka ng pamilya ko. Yung tingin ko sayo noon, mas malalaya pa ngayon. Hindi ka lang malandi at mukhang pera, isa ka pang homewrecker." Halos mapiko na ang kutsara na hawak ni Mrs. Sunny dahil sa matinding galit na nararamdaman sa babaeng kaharap. Si Mr. Santillan naman ay nakahawak sa kamay ng asawa upang pakalmahin ito.
"Honey, calm down." Pagpapakalma sa kanya ni Edgar
"Papaano ako kakalma Edgar? Sinisira ng babaeng to ang buhay ng anak atin. Ni hindi man lang siya nakonsensya sa nagawa niya at nagawa pa niyang humarap sa atin na parang wala lang." Galit na Asik ni Mrs. Sunny at humarap kay Minche at dinuro ito.
"Hindi mo magagamit sa amin ang batang yan. Hinding hindi ka namin Tatanggapin sa pamilyang ito kahit na magmakaawa ka. Si Mandy lang ang karapatdapat na maging parte ng pamilya namin at hindi ang kagaya mong gold digger." Sa halip na maghurumintado sa galit si Minche dahil sa pangmamaliit sa kanya ni mrs. Sunny ay nginisihan lamang niya ito.
"Wag po kayong mag-alala Tita Sunny, wala rin naman po akong balak na maging parte ng pamilya niyo. Ang tanging gusto ko lang ay si Marko. Kung matutulungan niyo kong mabawi si Marko sa kinagigiliw-wan niyong manugang, wala tayong magiging problema." Pinagdiinan pa ni Minche na tawagin ang ginang na Tita Sunny upang galitin ito.
"You're crazy, iha. Mahal mo ang anak ko pero ayaw mong maging parte ng pamilya namin? Hindi ba dapat ang Pagsang-ayon namin ang dapat mong makuha bago ang anak namin?" Di naman makapaniwalang sabi ni Mr. Santillan ngunit nginitian lang siya ni Minche.
"No need for that Tito Edgar. Hindi niyo rin naman ako tatanggapin kahit na magmakaawa ako. Si Marko lang ang tanging gusto kong makuha. Siya lang... Kung hindi ko siya makukuha gamit ang batang dinadala ko, wala na ring saysay para manatili ito sa sinapupunan ko." Sa sinabi ni Minche ay nanlaki ang mga mata ng mag-asawa at di makapaniwalang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Roman d'amour"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...