//19//

1K 19 0
                                    

***

Hapon na nang maka-uwi sila sa kanya kanya nilang bahay. Pagod na pagod siya at inaantok na rin. Grabe naman kasi si Chola. Wala atang kapaguran ang baklang yun.

Pagkatapos kasi nilang kumain sa jollibee ay nag-aya ulit si Chola. Gusto daw nitong manood ng sine. Kaya ayun napapayag siya. Sobrang kinulit kasi siya nito. Maging si Rafael ay hindi nakaligtas sa kakulitan nito.

Nang matapos silang manood ay nagpunta naman sila sa park at kasama ulit si Rafael. Hiyang hiya na tuloy siya sa pinaggagawa dito ni Chola.  Si Khali naman ay sumasabay na rin sa kakulitan ni Chola.

Yun ang dahilan kung bakit pagod na pagod siya. Nang makarating siya sa tapat ng pinto ng bahay nila ay binuksan na niya ito. Pumasok na siya sa loob at tumambad sa kanya si Marko sa sala. Nang makita siya nito ay nilapitan na agad siya nito.

"Saan ka galing?" Tanong sa kanya ni Marko.

"Nag-ayang mamasyal si Chola kaya hindi ako makatanggi." Sagot niya dito.
Tumango naman ang kaharap niya. "Ganun ba? Are you hungry? Nagluto na ako ng dinner." Tiningnan lang niya ito saka umiling.

"Kakatapos lang namin kumain. Sige akyat na ako sa kwarto ko. Good night." Nilagpasan na niya ang asawa niya at nagtuloy tuloy na pumanhik papunta sa kwarto niya ngunit hindi palang siya nakaka apat na baitang nang magsalita ang asawa niya.

"Let's give it a try."

Alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Tinutukoy nito ay ang kasal nilang dalawa. Hindi niya ito nilingon bagkus ay nagsalita na lang siya.

"Before you suggest that, why don't you try to be a faithful husband first? I think that's a good idea." Malamig niyang turan habang hindi parin lumilingon kay Marko

"But this is what you want, right?" Dahil sa sinabi nito ay saka lang niya nilingon si Marko na nakatingin din sa kanya.

"Yes---before. Hindi pa tayo kinakasal ito na ang tanging gusto ko. Ang mahalin mo ko at bigyan pagkakataon pero anong ginawa mo? Sinira mo yung buong pagkatao ko." Pagkatapos niya itong sagutin ay tinalikuran na niya ito at tuluyan umakyat ng kwarto.

Pagkasara na pagkasara niya ng pinto ay agad na siyang sumandal dito dahil sa panghihina. Hinawakan niya ang dibdib niya kung saan niya nadidinig ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Kung sana ganun lang kadali ang magpatawad edi sana matagal na niyang napatawad ang asawa niya na pinagtataksilan siya for five years. Kahit na mahal parin niya ito ay natatakot na siyang magtiwala dahil baka masaktan na naman siya.

________


Bukang liwayway na nang magising siya. In-off muna niya ang alarm clock niya bago siya bumangon para maghilamos. Nagtungo siya sa cr at pumasok. After niyang maghilamos ay napagpasyahan na niyang bumaba ng kusina para kumain. Nasa hagdan palang siya ay amoy na amoy na niya ang pagkain sa kusina. Doon niya naabutan ang asawa niya na katatapos palang gumawa ng breakfast at inaayos na lang niya sa table. Hindi na lang siya nagsalita at lumapit na sa lamesa at umupo. Napansin rin niya na mukhang kagagaling lang sa jogging ni Marko dahil sa pawisan ito at basang basa pa ang buhok.

"Bakit ka pa nag-abalang magluto. Kaya ko namang magluto ng pagkain ko." Sabi niya habang naglalagay ng fried rice sa plato niya. Kahit na ayaw niyang kainin ang mga niluto ni Marko ay hindi niya ito matanggihan lalo na sa bango nitong humahalimuyak kahit ang totoo ay wala talaga siyang maayoy at sobrang sarap ng mga hinahanda nito. Natatandaan parin niya ang amoy ng mga niluluto noon ni Marko kaya alam niya na ganun parin ang amoy nun hangang ngayon. Alam niyang marunong itong magluto since magkababata sila at palagi din siya nitong pinaglulutuan pero nung makasal na sila five years ago ay hindi na siya muling nakatikim ng luto nito. Ngayon lang ulit at aaminin niya na sobrang namiss niya ang pagluluto nito ng pagkain para sa kanya.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon