***
Mandy POV:
Nakatingin lang siya sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Suot niya ang ginawang dress ni Khali para sa kanya dahil ngayon na ang araw ng reunion ng University nila. Hindi na siya naghire ng hairstylist and make up artist dahil kayang kaya naman niyang gawin yun. Tapos na siyang mag-ayos at ang hinihintay lang niya ay si Marko na nag-aayos din sa kwarto nito.
Yung dinner na naganap sa bahay ng in-laws niya five days ago ay naging maayos naman. Yun nga lang ay hindi siya pumayag sa hiling ng mother-in-law niya. Kahit na isang gabi lang ay hindi rin siya pumayag. Ayaw niyang tumabi kay Marko sa pagtulog.
(-Flaskback-)
Bumalik na siya sa loob ng bahay at iniwan na sa garden si Marko. Ayaw na niyang makipag-usap nang matagal dito dahil lalo lang lalala ang away nila at baka marinig pa sila ng mga magulang nito. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya hanggang sa loob pero tuloy tuloy lang siya sa loob.
"Mandy, kinaka-usap pa kita. Mandy!" Sinigaw na nito ang pangalan niya kaya nilingon niya ito dahil lumalakas na ang boses nito. Sinalubong niya ito kaya napatigil ito sa pagsunod sa kanya.
"Gusto mo ba talagang mabuko tayo ha? Kung ganun, sige. Lakasan mo pa ang sigaw mo para marinig ka nila at malaman nila ang baho mo."
"That's not what I mean. Ang gusto ko lang kausapin mo ako nang maayos." Naging mahinahon na ang boses nito at halatang pinipilit nito na hindi sumabog sa galit.
"Kinakausap kita ng maayos pero ikaw itong hindi makaitindi." Napapadyak na siya sa sobrang inis at pinilit rin niyang wag sumigaw.
"Hindi ka ba naaalibadbaran sa sinabi mo kanina? Kasi ako oo..... Gusto mong matulog tayo sa iisang kama kahit na may ibang babae kang tinatabihan? Tatabi ka sa akin na para bang wala kang ginagawang kawalanghiyaan?Mahiya ka nga sa sarili mo kahit minsan. My God!" Muli niya itong tinalikuran at naglakad ulit.
Napatigil siya sa paglalakad nang bigla niyang nakasalubong ang father-in-law niya sa pagliko niya.
"Pa." Alanganin niyang turan at nilingon niya si Marko sa likod niya na gulat na gulat din tulad niya. Nagtataka itong nakatingin sa kanilang dalawa kaya umusbong ang kaba sa dibdib niya. Paano kung may narinig ito.
"Bakit parang nakakita kayo ng multo?" Tanong nito habang nakatingin sa kanila ni Marko
"N-no Dad. Nagulat lang po." Sagot dito ni Marko kaya tumango ito na para bang naitindihan. Nakahinga naman siya ng maluwag kahit papaano.
"Bumalik na kayo dun. Hinahanap na kayo ng Mama niyo." Tumango silang dalawa at tinungo na ang dining area. Umupo na sila sa upuan nila at ganun din ang father-in-law niya. Napansin niya na nakatitig ito sa kanya pero umiwas din ng tingin.
Sinimulan na nilang kumain ng tamihik hanggang sa lumipas ang 25 minutes bago niya naisipang basagin ang katahimikan.
"Mama, hindi po ata ako makakapag stay dito ngayong gabi. Babalik po ulit kasi ako sa company." Magalang niyang turan
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
