//70//

1.2K 17 2
                                        

***

Chola POV:

Nang maka-uwi si Chola sa bahay ay mabilis niyang kinuha ang phone upang tawagan ang kaibigan.

"Hello papa Raf... may good news ako sayo but somehow bad news na rin.... Yeah! Good na bad news to be exact.... Kasi sa aura palang kanina ni Mandy, hindi talaga Good news yun for her kahit pa siya ang nagdecide, but for us, good news na yun."

"Why? What happened?" Nag-aalalang boses ni Rafael sa kabilang linya.

"Well.... Si Mandy kasi, balak ng magfile ng annulment kay Marko to end their marriage for Good pero sa nakita ko kanina mukhang hindi siya for good. Hindi ko alam kung paano i-explain."

"Really? That's a good news then pero bakit mo nasabing bad news?"

"Nandun na nga ang bad news. Kahit na nagdecide si Mandy na makipaghiwalay kay Marko, labag parin yun sa loob niya kasi in the first place wala naman talaga siyang balak na makipaghiwalay hanggat nakikita niya na magkasama ang dalawa. Nagawa lang niya yun dahil sa sobrang galit niya kay Marko kaya ayun, ura-uradang nagdesisyon nang hindi manlang pinag-iisipan ng mabuti. Nawala lang ako ng ilang linggo ang dami ng nangyari." Narinig ni Chola ang nagbuntong hininga ni Rafael sa kabilang linya at hindi manlang nagsalita kahit na narinig nito ang nangyayari kay Mandy.

"Papa Raf, bakit di ka na lang kaya umuwi dito sa Pinas. Para naman may masasandalan si Mandy. I know naman na hindi pa kami sapat ni Khali para maibsan ang sakit na pinagdadaanan niya, at least ikaw, sobrang lapit ng loob niyo sa isat isa kahit na maikli lang yung panahon na pinagsamahan niyo. Sobrang laki ng maitutulong mo sa kanya."

"You don't know how much I want to but I just can't. Kahit na gustong gusto ko ng umuwi para makita siya  hindi pwede. Makakadagdag lang ako sa problema niya.

___________

Third person POV:

"Gumawa ka ng paraan para iurong ni Mandy ang annulment. Marko, hindi ko matatanggap ito at mas lalong hindi ko matatanggap na maging parte ng pamilya natin ang babaeng yun. Tatanggapin ko ang anak niyo dahil anak mo siya, apo namin ng Dad mo, dugo natin ang dumadaloy sa kanya pero si Minche?....No!... Not now. Not ever." Paghuhuromintado ni mrs. Santillan. Ito agad ang narinig ni Marko sa ina nang makauwi sila sa bahay ng mga magulang niya.

"I did all my best pero wala. Desidido na si Mandy na hiwalayan ako. Hindi ko na alam kung paano siya pipigilan." Totoong maging siya ay hindi na alam ang gagawin. Sinasabunutan ang buhok habang nag-iisip ng paraan kung paano iuurong ni Mandy ang annulment pero kahit anong isip ang gawin niya ay wala talaga siyang maisip.

Inamin na nga niya kay Mandy ang nararamdaman niya, na mahal niya ito pero hindi parin yun umubra. Matindi talaga ang galit sa kanya ng asawa na kahit sa kabilang buhay ay hindi na talaga siya nito mapapatawad.

"This is your fault! Kung hindi ka nambabae at kung hindi mo pinapasok ulit sa buhay mo yung babaeng yun, hindi sana nangyayari ito. Maayos pa sana ang relasyon niyo ni Mandy at buhay pa sana ang apo ko. All of this is your fault. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ikaw lang." Galit na galit na turan ng ina sa kanya.

Hindi na lang nagsalita si Marko at tinanggap ang galit ng kanyang ina dahil totoo naman lahat ng sinabi nito. Kasalan niya ang lahat.

Dahil hindi na makayanan ni mrs. Santillan ang anak ay tinalikuran na siya nito at umakyat sa kwarto. Sumunod din ang ama ni Marko sa asawa upang pakalmahin ang galit na galit na ginang dahil sa katarantaduhan ng nag-iisa nilang anak.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon