//64//

1.2K 25 4
                                        

***

Mandy POV:

Nakasandal si Mandy sa swivel chair niya habang hinihintay si Amanda. Ang inakala niyang nagbukas ng pintuan ng office niya ay hindi pala ang sekretarya niya kundi si Marko. Alam na pala nito na nakabalik na siya.

Lumapit si Marko sa kanya ngunit si Mandy ay hindi manlang gumalaw sa pagkaka-upo niya at nakatingin lang sa asawa na papalit sa table niya.

"You're back. Why didn't you tell me?" Iyon agad ang pambungad sa kanya ni Marko pero siya ay nagkibit balikat lang.

"You're asking me why I didn't I tell you?... Hmm!.. Maybe because it's not part of my obligation to report all my action and decisions to my unfaithful husband... Ikaw, bakit ka nandito? Diba dapat nandun ka kay Minche para alagaan siya?" Saad niya nang hindi parin gumagalaw sa pagkakasandal niya sa swivel chair niya.

"Don't change the topic, Mandy." Saad ni Marko ngunit Tinawanan lang si Mandy.

"I'm not changing the topic, I'm just stating the truth, Marko. Alam mo ba kung anong ginawa ng babaeng yun? Pumunta siya sa bahay saying na siya na daw ang may-ari ng bahay na nakapangalan parin sa akin at magsasama na raw kayong dalawa kahit na wala pa akong pinipirmahang annulment papers." Sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ni Marko na parang wala talaga itong wala sa ginawa ni Minche.

"Hindi ko alam na pumunta siya sa bahay. Kung alam ko lang, hindi sana kayo nagpang-abot."

"Hindi mo alam dahil hindi mo siya binabantayan. Ikaw ang mas nakakakilala sa kabit mo kaya dapat alam mo na ang gagawin niya... Kung ayaw mo pala kaming magpang-abot edi sana itinali mo siya.... Kunting kunti na sa akin ang babaeng yun at kapag nasagad pa niya lalo ang pasensya ko, baka makalimutan ko na ipinagbubuntis niya ang bastardo mo." Nagpipigil na turan ni Mandy. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili pero lalong kumulo ang init ng dugo niya nang marinig ang sunod na tinuran ni Marko.

"Gusto kong makita ang anak natin." Walang paligoy ligoy na pag-iiba ni Marko sa usapan nilang dalawa. Natawa ng mapakla si Mandy at tumingin siya sa mga mata ni Marko nang hindi makapaniwala.

"Anak natin?" Sarcastic niyang ulit sa sinabi ni Marko. "You must be dreaming dahil wala kang anak sa akin."

"Wag mo ng ikaila sa akin Mandy. Tandang tanda ko pa hanggang ngayon ang sinabi mo at kahit na itanggi mo hindi mo na ako mapapaniwala na gawa gawa mo lang ang sinabi mo. May nangyari sa atin kaya alam ko na posibleng nagkaroon nga tayo ng anak."

"Bakit? Sinabi ko bang gawa gawa ko lang yun? Hindi ko naman itinanggi diba?" Maanghang niyang Sagot rito pero ang sunod na sinabi ni Marko ang nakapagpatahimik sa kanya ng panandalian.

"Pero itinago mo sa akin ng tatlong taon." May hinanakit sa boses ni Marko nang sabihin nito ang katagang iyon at tumingin ng diretso sa mga mata ni Mandy.

"Dahil hindi mo deserve na malaman ang katotohanan." Nang makabawi si Mandy ay sinagot niya ito at napalitan na ng ibang emosyon ang kanyang mga mata.

"Alam kong hindi ko deserve na malaman ang totoo pero anak ko par---"

"Wala kang anak sa akin! Anak ko lang Marko. Wag mong ipagmalaki na may anak ka sa akin dahil ikaw ang dahilan kung bakit nawala siya sa akin. Hindi na kailangang makilala ni Samantha ang walang kwentang taong katulad mo." Hindi na niya pinatapos magsalita si Marko dahil ayaw niyang marinig ang sasabihin nito.

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon