***
Mandy POV:
Dahil sabado ngayon ay naisipan niyang mag general cleaning. Ang inumpisahan niyang linisan ay ang kwarto niya. Nilagay niya sa garbage bag ang mga gamit na hindi na kailangan. Ang mga damit naman na hindi niya ginagamit ay idodonate na lang niya.
Pagkatapos niyang linisin ang kwarto niya ay sinunod na niya ang tatlong guestroom. Hindi niya sinama ang kwarto ni Marko dahil malinis naman yun parati. Malaki ang bahay kaya hirap na hirap siyang linisan ito. Ang huli niyang nilinis ay ang sala at kusina.
Tanghali na rin at ramdam na ramdam niya ang pagod. Alas sais ng umaga siya nagsimulang maglinis at ngayon 12:30 na. Pumanhik siya sa kwarto para maligo muna. Balak niyang mamili dahil wala ng laman ang ref at puro beer na lang. Nang matapos na siya ay binlower muna niya ang buhok niya atsaka nag-ayos ng sarili sa harap ng salamin. Nang masiguro niyang okay na siya ay bumaba na siya ng sala.
Nagulat pa siya ng madatnan niya sa sala si Marko. Naka-upo ito sa sofa at may kinakalikot sa phone niya. Ang aga naman nitong umuwi eh tanghali palang.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at nilapitan ito.
"Pupunta kang grocery?" Imbis na sagutin siya ay tinanong din siya nito. Tumango na lang siya.
"Can I come?" Tumayo ang huli at hinarap siya. Seryoso ba ito?
"Wag na. Kaya ko nam---"
"No. I insist. Let's go." Hindi na siya nito pinatapos magsalita. Hinila na siya nito palabas ng pinto. Nagpaalam pa ito kung hindi rin naman siya pakikinggan.
_______
Nasa meat section sila. Si Marko ang nagtutulak ng cart samantalang siya ang kumukuha ng mga bibilhin nila. Kung titingnan para lang silang normal na mag-asawa dahil sa ginagawa nila. Napapansin rin niya ang mga taong nadadaanan nila na panay ang tingin sa kanilang dalawa. May mga babae naman na kung makatingin sa asawa niya ay para itong pagkain sa isang platter na nakahain sa kanila at handang sunggaban.
Itong asawa naman niya parang walang napapansin o baka naman nagpapanggap lang ito. Magaling mag pretend ang asawa niya lalo na kapag magkasama sila sa isang public place. Syempre kailangang magpanggap ng gago as perfect husband sa mata ng mga tao.
"Dun tayo." Tinuro niya ang kinalalagyan ng mga beef at naunang maglakad. Sumusunod lang sa kanya si Marko kahit saan siya magpunta.
Lumapit siya kung saan nakapatong ang ibat ibang size ng beef. Masarap gumawa ng beef steak. Natatakam tuloy siya.
"Kumuha rin tayo ng shrimp. Masarap yun sa sinigang." Nakalapit na pala sa kanya si Marko. Tiningnan muna niya ito sandali bago binalik ang tingin sa beef na hawak niya.
"Kumuha ka na lang ng mga gusto mo diyan at ilagay sa cart." Sabi niya ng hindi tumitingin dito. Naramdaman naman niya ang pag-alis nito sa tabi niya.
Binaba niya ang hawak niya at tumingin kay Marko na medyo malapit lang sa kanya. Nakatitig lang siya dito ng ilang sigundo. Unti unti na niyang nararamdaman ang malakas na pagtibok ng puso niya.
'Shit'
'No'
Hindi siya pwedeng mahulog sa patibong nito baka lalo lang siyang masaktan. Ipinilig na lang niya ang ulo niya at inalis sa isipan ang damuhong si Marko. Kumuha na lang siya ng beef at nilagay sa cart. Siya na rin ang nagtulak nun. Lumapit siya kay Marko na halatang may nakuha na. Nilagay nito ang shrimp na hawak at ito na ulit ang nagtulak ng cart.
"May malapit naman na restaurant sa kompanya mo bakit hindi ka na lang dun kumain?" Pangbasag niya sa katahimikan nilang dalawa habang naglalakad
"Namiss ko lang yung lutong bahay. Sawa na ako sa mga pagkain sa restaurant." Sagot nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romantik"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
