***
Marko POV:
Nang maka uwi na siya ay nagdiretso siya papasok at doon niya nadatnan si Mandy na naka-upo sa sala. Nakatulala rin ito at mukhang may malamim na iniisip. Lalagpasan na sana niya ito ng biglang magsalita si Mandy.
"Kamusta yung naging pag-uusap niyo? Totoo bang bumalik na siya?" Tanong ni Mandy sa kanya. Hindi niya alam kung paano nalaman nito na nakipag kita siya kay Minche?
"Pinapasundan mo ba ako?" Hindi niya makapaniwalang tanong. The hell. Ngumiti ng bahagya si Mandy sa kanya ngunit nandun parin ang lungkot.
"Kung pwede lang sana ginawa ko na. Kaya lang ano bang karapatan ko? Kasal lang tayo sa papel. Sa batas pag-aari kita pero para sayo si Minche ang nagmamay-ari sayo....Marko, kahit for once lang maging totoo ka naman sa akin. Please." Nagulat siya dahil maayos na itong nakikipag-usap sa kanya at hindi na siya nito sinisigawan. Sobrang tamlay nito at mahihinahuha mo sa bawat salita niya ang takot at sakit. Sa nakitang yun na reaksiyon ni Mandy ay biglang nakaramdam siya ng kakaibang kirot sa puso niya na hindi niya maitindihan kung bakit. Hindi ba dapat matuwa siya dahil mukhang lumalambot na ito at baka ibigay pa nito ang kalayaan na hinihingi niya.
"Kung ang gusto mong malaman kung nagkabalikan kami. Ang sagot....Hindi." saad niya. Napatingin naman sa kanya si Mandy na halatang hindi makapaniwala.
"Pero bakit?-----Sinasabi mo lang ba ito para makuha ang loob ko para in the end ibigay ko sayo ang gusto mong annulment?" Tinitigan lang niya si Mandy.
"Wala ng saysay pa ang annulment na yan dahil hindi ko na siya pag-aari. Kasal na siya sa ibang lalaki."
"Ahh. Ganun ba?----Sige, tulog na ako." Tumayo na si Mandy at iniwan na siya nito sa sala.
Siya naman ang sumalampak sa sofa at hinilot ang magkabilang sintido gamit ang kanang kamay. Nakapikit siya habang ginagawa iyon at inaalala ang naging pag-uusap nila ni Minche ng magkita sila.
.
.
.
.
>>>Flashback<<<
Yakap ang sinalubong sa kanya ni Minche ng magkita sila sa isang restaurant na tinext sa kanya nito. Narinig niya ang pag-iyak nito at ang paghigpit ng kanyang mga yakap sa kanya. Inaamin niya na namiss diya niya ito kaya gumanti din siya ng yakap. Nang maghiwalay na sila ay iginaya siya ni Minche sa table nila.
"Ako na ang nag-order ng food mo. I'll still remember pa naman yung mga favorite mo." Tinanguan lang niya ito.
"I missed you so much, Marko." Biglang turan ng kaharap niya na ikinatigil niya sa pagkain. Ibinaba niya ang kobyertos at hinarap si Minche.
"Bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan ng wala man lang paalam?"
"I tried, Marko. I tried to stay with you but I have no choice. Kung hindi ako aalis patuloy lang akong mamaliitin ng pamilya mo dahil sa estado ko sa buhay. Alam mo naman kung gaano nila kaayaw sa akin diba? Umalis ako sandali para pagbalik ko mayroon na akong maipagmamalaki sa pamilya mo. Para hindi na ako magmukhang kawawa at para hindi na ako magmukhang kulilat pagnagtabi kami ni Mandy."
"At ang naisip mong paraan ay ang magpakasal iba? Ganun ba? Kung pagpapakasal rin pala ang sulosyon sa problema mo edi sana ako na lang." Nakita naman nito na biglang natigilan ang kaharap na hindi makapaniwala kung paano niya nalaman ang totoo.
"H-how did y-you know?" Kanda-utal na sabi ni Minche. Halatang natatakot siya
"Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman. Ang gusto kong malaman bakit?" Uminom muna siya ng tubig dahil mukhang natuuyan siya ng tubig sa lalamunan.
"I'm sorry pero sa ngayon hindi pa ako handa na sabihin sayo ang dahilan ko.....Marko...wala namang point kung sasabihin ko sayo ang tungkol sa pagpapakasal ko. Nagpakasal ka rin naman diba?"
"Because you left me with no choice." Unti unti na siyang naiinis. Nasaktan talaga siya nung ibalita sa kanya ni Cannon ang tungkol kay Minche pagkatapos ng inuman nila. Nawala na tuloy sa isip niya ang gagawin niyang pagbawi kay dito. Paano babawiin ang babaeng mahal niya kung mayroon ng nagmamay-ari sa kanyang iba. Magmumukha lang siyang tanga at dispirado.
"Hindi na mahalaga ang nakaraan. Nangyari na eh. Wala na tayong magagawa. Ang alam ko lang mahal na mahal kita. Kaya please.... Tayo na lang ulit, Marko. Bumalik ka na sa akin." Pagsusumamo ng kaharap at hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa table.
Binawi niya ito na ikinalungkot ng huli dahil bumalatay ang sakit sa kanyang mga mata. Hinilot niya sandali ang kanyang sintido at hindi niya makapaniwalang tiningnan si Minche.
"Gusto mo akong maging kabit mo? Laro lang ba ito para sayo? Huh? Bulshit!!Sana kasi nag-isip ka muna bago gawin ang isang bagay na alam mong pinagsisisihan mo sa bandang huli. Kung hindi mo ko iniwan hindi magiging ganito kakomplikado ang lahat. Kung ipinaglaban mo rin sana ang relasyon natin hindi sana ako magpapakasal kay Mandy." Nanggagalaiti niyang sabi. Umiyak na rin sin Minche sa harap niya. Hindi na ito makapagsalita. Hinagis niya ang table napkin sa table bago tumayo.
"Aalis na ako...Wag ka na ulit sa akin lalapit. Tama si Cannon matagal ng tapos ang sa ating dalawa simula ng umalis ka...May balak naman akong ipaglaban ka kahit na kasal na ako kaya lang paano ko gagawin yun kung may nagmamay-ari na sayo. Tayo lang ang lalabas na masama-----From now on wala na tayong ugnayan sa isat isa. Tapos na ang lahat lahat sa atin. Bumalik ka na sa asawa mo at ganun din ako." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na siyang lumabas ng restaurant. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Minche pero hindi na siya lumingon pa.
>>>End of Flashback<<<
_____
Iyon ang dahilan kung bakit nawalan siya ng pag-asa na magkabalikan pa sila ni Minche.
Tinanggal na lang niya sa isipan niya ang mga nangyari at iisipin na sana panaginip na lang lahat ng ito. Umakyat na siya sa kwarto niya. Wala ng ligo ligo dahil sumalampak ma siya sa kama. Pagod na Pagod siya ngayong araw na ito dahil sa dami ng nalaman niya.
***
Anong masasaabi niyo guys? 🤔🤔Super daming revelation no? Akala niyo magkakabalikan na silang dalawa no? Hahahaha. Pwes hindi lang diyan nagtatapos ang revelation dahil marami pang darating na siguradong ikakagulat niyo. Maghintay lang kayo.
>>>Question number 05
Makatarungan ba ang naisip ni Marko na makipagbalikan kay Minche kahit na kasal parin siya kay Mandy? Sagot!
Hahahah!!!!!😂😂😂😂
Comment down your answer. Okay!!??
By the way don't hesitate to....
Read,🧐🤓
Vote,👍👌
Share,👩👧👦👭 and
Follow 👆👇👍me on my account.
Thank you so much. Sorry for the wrong grammar, typos, and spelling. That's all. Love lots from your Mon Tresòr😘😘😘
***
Mon Tresòr
MonSoleil_Mylight
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
