***
Marko POV:
Dumaan ang mahigit tatlompung minuto ay hindi parin dinadalaw ng antok si Marko at nananakit na rin ang likod niya sa sahig na hinihigaan niya kahit na may blanket. Nasa likod ng kanyang ulo ang kaliwang braso habang nakatitig sa kisame. Katabi lang niya ang kamang hinihigaan ni Mandy ngunit hindi niya ito makita kung gising pa ba ito o tulog na.
"Mandy, gising ka pa ba? Mandy?" Pagtawag niya sa asawa ngunit walang sumagot sa kanya. Tinanggal niya ang pagkakaunan sa braso at umupo upang makita si Mandy ngunit hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya.
Bumangon siya at sumampa sa kama. Ginalaw niya ang braso ng asawa at pinaharap ito sa kanya upang malaman kung tulog ba talaga ito.
"Tulog ka na? Wife." Mahina niyang tawag at saka lang niya nakumpirma na tulog ka ito dahil sa paghilik nito. Mahina lang ang paghilik nito at napatawa siya ng mahina dahil doon. Hindi niya akalain na ganito pala ka cute ang asawa niya pag natutulog.
Hindi pa siya dinadalaw ng antok kaya napagpasyahan niyang panoorin muna sa pagtulog ang kanyang asawa. Humiga siya sa tabi nito at tinitigan ng maigi ang mukha nito. Hinawi niya ang buhok nito na nakaharang sa maganda nitong mukha at nilagay ito sa likod ng tenga nito.
Bigla na lang siyang naistatwa sa kanyang posisyon nang humarap sa kanya si Mandy at tumambol ng napakalakas ang kanyang dibdib nang idantay nito ang kamay sa kanyang bewang at nagsumiksik sa kanya.
Mukhang napagkamalan siya nitong unan. Kilala niya kasi kung paano matulog si Mandy at hilig nito ang pagyakap sa unan kung matutulog ito. Hindi ito mapakali sa higaan kung wala itong yakap na unan kaya siguro napagkamalan siyang unan nito.
Dahil sa pagyakap sa kanya ng asawa ay mas natitigan niya ng malapitan ang mukha nito. Muli niyang hinawi ang buhok nito upang matitigan ang napakatangos nitong ilong. Bigla ring sumagi sa isip niya ang mga ginawa niya dito.
Alam niyang sobrang nasasaktan si Mandy noon dahil sa pambabaliwala niya dito at sa pambababae niya. Naaalala pa niya nung unang araw nila bilang mag-asawa. Pinagtabuyan niya ito sa kwarto nilang dalawa pero hindi manlang ito nagalit. Binaliwala nito ang paninigaw niya at nagawa pa siya nitong ipaghanda ng makakain at walang araw na hindi niya ito inaalagaan.
"I'm sorry for hurting you, for causing you so much pain." Bulong niya sa asawa habang hinahaplos ang buhok nito na napakalambot.
Mabait ito sa kanya sa kabila ng mga ginagawa niyang pagpapahirap dito at dumaan ang dalawang taon ng kanilang pagsasama at sa loob ng dalawang taong iyon ay walang araw na hindi siya nito pinabayaan. Nagagawa parin siyang harapin ni Mandy kahit na may kasama siyang ibang babae.
Nagbago lang ang lahat nung napagbuhatan niya ito ng kamay at yun din ang sanhi ng pagwala ng pang-amoy ni Mandy. Labis siyang nasaktan ng sinabi sa kanya ni Howard na siya ang dahilan kung bakit nawala ang pang-amoy nito at gustong gusto niyang saktan ang sarili dahil doon. Sobra sobra pala ang sakit na ipinaramdam niya sa asawa na walang ginawa kundi mahalin siya.
Mukhang iyon din ang dahilan kung bakit biglang nagbago si Mandy at nawalan na ito ng pakialam sa kanya. Mukhang hindi na nito nakayanan ang pananakit niya. Nung mga araw na sinimulan na siyang baliwalain ni Mandy ay labis siyang nagtaka at ang akala nga niya ang hihiwalayan na siya nito pero hindi. Hindi na ito ngumingiti sa kanya at pinapabayaan na siya nitong mambabae. Ngunit alam niya na nasasaktan parin ito kahit na hindi na ito umiiyak.
"I'm sorry for making you cry, I'm sorry if you felt that you're not important. I'm really really sorry, my wife. Please forgive this jerk in front of you. Forgive me. I love you." Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha habang nakatingin sa asawa.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...