***
Mandy POV:
Pagkapasok niya sa kwarto niya ay agad siyang pumunta sa banyo. Binuksan niya ang shower at nilakasan ito. Hindi na siya nag-abalang tanggalin ang damit niya. Sumalampak siya sa sahig habang bumubuhos ang tubig sa kanyang katawan. Sabay sabay rin na tumulo ang kanyang mga luha. Sa unang pagkakataon sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang anak. Tinakpan niya ang kanyang bibig upang hindi siya makagawa ng ingay ngunit kahit na anong gawin niyang pigil sa sarili niya ay lalo lang lumalakas ang ingay na nagagawa niya dahil sa pag-iyak.
Malinaw na malinaw ang kanyang panaginip. Kung dati ay puro iyak ng sanggol ang naririnig niya ngayon ay hindi na. Nakita niya ito ng malapitan at tinawag pa siyang mama pero hindi man lang niya ito nalapitan o nayakap manlang. Sinabunutan niya ang sarili at pinaghahampas ang dibdib dahil sa kakaibang sakit na kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay unti unti siya nitong nilalamon.
"A-ayoko na. T-tama na. Ang s-sakit sakit na." Patuloy niyang dinadamba ang ang kanyang dibdib habang umiiyak.
'Alam mo kahit gaano pa kita kamahal hindi ako magpapakasal sayo. Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ako gusto dahil ako lang ang masasaktan sa huli kaya wag kang mag-alala. Sapat na sa akin na maging masaya ka.'
'Kailangan mong magpakasal sa kanya. For me and for our company....Diba ito naman ang gusto mo? They need us and we need them. Wag kang mag-alala matototonan ka rin niyang mahalin basta gampanan mo lang ng maayos ang pagiging asawa niya. Alagaan mo siya ng mabuti at makukuha mo rin ang pagmamahal niya.'
'Kilala ko si Marko dahil anak ko siya. Hindi ka niya sasaktan, maniwala ka. Baka nga hindi mo namamalayan nahulog na pala ang loob niya sayo. Makakalimutan rin niya ang babaeng yun.'
'Asawa lang kita sa papel. Si Minche ang mahal ko. Siya at wala ng iba kaya wag ka ng umasa pa. Matuwa ka na lang na kinasal tayo.'
"AHHHHH!!" Buong lakas niyang sigaw dahil sa mga alaala na pumapasok sa isip niya. Wala na siyang pakialam kung marinig pa siya ni Marko sa labas. Gusto niyang ilabas ang galit at sakit na nararamdaman niya dahil kung hindi ay baka masiraan na siya ng bait.
.
.
.
.Lumipas ang oras ngunit nakasalampak parin siya sa sahig habang nakaadar ang shower. Nakakaramdam na siya ng panghihina at giniginaw na siya sa lamig ngunit pinilit parin niyang tumayo at lumabas ng banyo. Kailangan niyang pumasok sa kompanya. Napapagod na siyang harapin ang bawat araw na puro sakit na lang ang dinadanas niya ngunit kailangan niyang maging matapang. Matatapos rin ang paghihirap niya.
______
Kahit tanghali na ay pumasok parin siya sa trabaho. Lahat ng bumabati sa kanya ay hindi niya pinapansin. Diretso lang ang tingin niya. Pumunta siya sa elevator at hinintay ito na magbukas. Nang magbukas na ito may mga nakasakay doon.
"Good morning ms. Mandy." Bati nilang lahat ngunit hindi manlang siya nagreak o umaalis sa kinatatayuan niya para pumasok sa loob ng elevator.
"Out." Maikli niyang sambit. Nagkatingin naman yung nasa loob ng elevator.
"Hindi niyo ba ako narinig?" Ulit niya sa malamig na tono. Dahil doon ay mabilis naman na nagsilabas ang mga mga empleyado dahil sa malaotoridad na tono niya. Walang sali-salita siyang pumasok sa loob at pinindot ang floor ng opisina niya.
Pagkalabas niya ay sinalubong siya ni Amanda at binati. Hindi rin niya ito pinansin at dumiretso sa desk niya. Hindi na lamang nagsalita si Amanda at ginawa na lamang nito ang nakagawian nitong gawin. Ipinatong nito sa table niya ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Lumipas ang ilang oras at wala siyang ibang ginawa kundi gawin ang trabaho niya. Narinig niya ang pagkatok ni Amanda sa pintuan ng opisina niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219529259-288-k808383.jpg)
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...