//45//

1.4K 21 2
                                        

***

Mandy POV:

Malaking palaisipan sa kanya ang hiwalayan ni Marko at Minche kahit na yun naman talaga ang gusto niya sa simula pa lang pero ang gusto niyang malaman ay kung ano ang dahilan. Tinatap niya sa noo ang dulo ng ballpen na hawak habang malalim na nag-iisip.

Kaninang umaga nung nag-usap sila ni Marko, parang hindi ito nasasaktan sa hiwalayan nila ng kabit nito.

"Ms. Mandy, gusto niyo po bang dalhan ko kayo ng lunch?" Tanong ni Amanda sa kanya. Tiningnan niya ang relo at tanghali na pala. Wala manlang siyang natapos na trabaho dahil sa pag-iisip.

"Yes, please." Sagot niya dito. Lumabas na rin si Amanda upang kumuha ng food niya.

Iwinaglit niya sa isipan ang asawa niya at ang kabit nito. May mahalaga pa siyang gagawin. Darating ang malaki nilang mga kliyente mula pa sa ibang bansa at hindi siya pwedeng madistract.

Inayos muna niya ang ipi-present niya para sa mga kliyente nang biglang marinig niya ang sigaw ni Amanda mula sa labas na parang may kasagutan. Tumayo siya sa upuan upang tingnan ang nangyayari sa labas nang bumukas ng malakas ang pinto at pumasok ang taong hindi niya aakalaing pupuntahan siya. Kasunod nito sa likod si Amanda na dala dala ang tray.

Galit na lumapit sa kanya si Minche at hindi niya inasahan ang ginawa nito. Kinuha ni Minche ang juice na nakalagay sa tray na dala ni Amanda at isinaboy sa katawan niya. Napanganga siya dahil basang basa na ang mukha niya at ang suot niya.

"Oh my god. Ms. Mandy, are you okay? Sino po ba kayo?" Hinarap ni Amanda si Minche.

"Shut up! Wag kang makialam dito kung ayaw mong paduguin ko yang ilong mo." Sigaw ni Minche sa secretary niya at hindi pa ito nakontento dahil tinabig nito ang hawak ni Amanda na Tray kaya nahulog ang laman nito. Kumalat sa sahig ang mga pagkain at ang basag plato. Umalingawngaw rin sa buong kwarto ang bagkabasag ng mga plato.

Pumikit siya huminga ng malalim bago muling imulat ang mga mata. "It's okay, Amanda. Hayaan mo muna kaming mag-usap. Maaari ka ng umalis." Kahit na nag-aalangan si Amanda ay sumunod parin ito. Lumabas na ito ng office niya at tanging sila na lang ni Minche ang nasa loob.

"Matagal ko nang gustong makaharap ka pero ayaw mong magpakita sa akin at mukhang pinagtataguan mo ko. Pero hindi ko ini-expect na ikaw mismo ang lalapit sa akin. Despirada ka nga talaga." Pinunasan niya ang basang mukha.

"Hulaan ko kung bakit ka nandito. Dahil kay Marko diba? Hindi mo matanggap na hiniwalayan ka niya kaya nandito ka... So, anong pakiramdam na pinagsawaan ka? Masakit hindi ba? Nakakabaliw, right?" Nakita niya ang pagtalim ng mga tingin nito sa kanya.

"Hayop kang babae ka. Inagaw mo na nga ang kasal na dapat para sa akin, ngayon naman pati pagmamahal ni Marko aagawin mo pa. Ahas ka tagala." Sigaw nito sa kanya

"Excuse me? As far as I remember, I didn't steal anybody's else lover. You left him when he needs you the most, remember? So you don't have the rights to blame me. Naging akin siya dahil iniwan mo siya. Kaya kung sino man ang dapat na umangkin sa kanya, it should be me.... You know why? Because I'm the legal wife and... you?...... Never mind.... Ang alam ko lang isa kang kabit na nakikihati sa pag-aari ko na."

"Ikaw ang totoong nakikihati sa pag-aari ko. Baka nakakalimutan mo na ako ang nauna sa kanya. He loved me first. Inahas mo lang siya nung nawala ako kaya nawala siya sa akin ng tuluyan. You are the desperate one. Ahas ka na nga, magnanakaw ka pa."

"Exactly. Iniwan mo siya at magmula nun nawalan ka na rin ng karapatan sa kanya at ikaw ang may kasalanan nun. Kung hindi ka sana mukhang pera at kung nakontento ka lang sana sa tabi ni Marko, ikaw sana ang kasama niya ngayon. Kasalanan mo dahil hindi ka makontento sa kung ano ang meron ka. Yung sinasabi mong sayo? Sorry, but not anymore. Accept the reality, Minche.. He's mine now..... Kaya yang binibintang mo sa akin magnanakaw ako?... Sarilihin mo na lang."

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon