Vote, follow and comment. Thanks
***
Na-Discharge na siya. Hindi na siya nagpahatid sa mga kaibigan niya. Nakakaabala na kasi siya. May kanya kanya rin namang buhay ang mga kaibigan niya na kailangan rin pagtuunan ng pansin ng mga ito. Okay na yung dinadalaw siya araw-araw. Sapat na yun para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya.
Nakarating na siya sa bahay. Nagtaxi lang siya. Ayaw niyang magmaneho. Bukas ang pinto ng bahay. Lumakas din ang tibok ng puso niya. Dahan dahan siyang pumasok.
Nalaglag ang bag na hawak niya habang nakatingin sa dalawang tao na naghahalikan sa sofa. Nakatulala siya sa mga ito. Natigil naman ang ginagawa ng dalawa at tumingin sa gawi niya. Nanlaki ang mata ni Marko at ang kasama nitong babae ngunit nawala din naman kaagad ang gulat sa mukha ni Marko at napalitan ng Malamig na tingin.
"I thought you will never comeback. Tss. Sayang." Malamig na turan sa kanya ni Marko
Ngumiti siya ng mapakla at lumapit dito ng dahan dahan. Sakit at galit ang makikita mo sa kanyang mga mata. Kumuyom ang kanyang mga palad.
Nang makalapit siya dito ay humarap siya dito at nakipagtitigan. Binaliwala niya ang babaeng nakalingkis ngayon sa asawa niya na nakatingin sa kanya.
**PAKK**
Tunog ng isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Marko. Tumabingi ang mukha nito. Gulat na gulat naman ang babaeng katabi nito at nanlaki ang mata. Galit na tumayo ang babae at hinarap siya.
"How dare you to slap my babe? You bitch!" Sigaw ng babae sa kanya. Ngunit tulad ni Marko ay nakatanggap din ito ng malutong na sampal. Napa-upo ulit ito dahil sa lakas ng sampal niya. Galit na tiningnan siya ng babae at halos umiyak na dahil sa sakit ng pagkakasampal sa kanya.
"Sayang!?" Hindi niya makapaniwalang tanong at tumawa ng mapakla. Tiningnan lang siya ng asawa.
"Bakit? Kasi naistorbo ko kayo?..... Why, Marko? As far as I know bahay ko rin to. Dito ako nakatira kaya dito rin ako uuwi. Kung nakaka-istorbo pala ako edi sana hindi mo dito dinadala itong higad mong kabit."
"Hey! I'm not a mistress. I'm his girlfriend for your infor----."
Isa na namang sampal ang dumapo sa pisngi ng babae. Galit itong nakatingin sa kanya. Pwes mas matindi ang galit na nararamdaman niya.
"Yes, you are! Wag na wag mo kong sisigawan sa sarili kong pamamahay. Isa ka lang sa mga higad na inuuwi ng asawa ko para magparaos. In other words, sex buddy. Parausan." Diin nito sa Huling salita
"You bitch!" Akmang sasampalin siya nito ngunit agad na nasalo ni Mandy. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. Halos baliin na niya ito.
"A-ouch! Let me go!" Daing ng babae at namimilipit sa sakit
"Ang lakas naman ng loob mong saktan ako sa pamamahay ko." Nakangisi niyang turan at hinigpitan lalo ang pagkakahawak sa kamay ng kaharap. Muli siyang nagsalita. "Don't you know me?... I am Mandy Rivera Santillan and I can send you to hell if want to. Don't you ever try me. I can be a monster and make your life a living hell. You're just a slut mistress bitch and I am the wife. Legal wife. There is a big difference between the two of us. You get it? So now--- leave my house and go to hell because that's where you belong. Or better yet--die!" Malamig nitong turan at pinakatitigan ang babae. Bumalatay naman ang takot sa mukha ng babae. Pabalya niyang binitawan ang babae. Nagtatakbo naman ito paalis at umiiyak.
"Saan ka pupunta? Susundan mo yung kabit mo?" Hinarap niya si Marko na paalis na dapat
"No. I just don't want to talk to you in that state."
Tumawa siya sa harap ni Marko. Nagtataka naman siya nitong tiningnan. Wow. For the first time tumawa siya at sa ganitong sitwasyo pa talaga. Ang galing talagang magpatawa ng asawa niya. Best comedian. Iiling iling niyang hinarap si Marko.
"I didn't know na magaling ka palang comedian. Why didn't you tell me? Sayang isasali pa sana kita sa circus." Sacrastic she said. Kalaunan ay naging blangko ulit ang tingin niya sa asawa niya.
"Why? Nahihiya ka sa ginagawa mong panggagago sa akin? Well dapat lang. Anong klaseng tao ka--I mean tao ka pa ba?" Hindi parin nagsasalita si Marko at nakatingin lang sa kanya kaya tinuloy niya ang sinasabi niya.
Pagod na pagod na siya sa nangyayari sa buhay niya. Matagal na niya itong pinabayaan sa pambababae nito kaya lang sagad na sagad na ang pasensya niya. Oras na para lumaban at ipagtanggol ang matagal ng niyang sirang pagkatao at dignidad. Ayaw na niyang lalo pang mabaon sa hukay.
"Hindi ka ba nagsasawa sa mga pinaggagawa mo sa buhay mo? Kulang na lang magka Aids ka para tumigil ka sa araw araw mong pagpapalit ng babae... Kung ikaw hindi nagsasawa ako sawang sawa na. Pagod na pagod na ako sa buhay ko. Sa panggagago mo sa akin. Babae rin ako, Marko. Napapagod. Nasasaktan. Kahit kunting respito naman... Kung hindi mo ko kayang respituhin bilang asawa mo, respituhin mo ko bilang babae. Respituhin mo yung pagkatao ko. Yung dignidad ko. Kahit yun lang Marko." Sa bawat salita nito ay mararamdaman mo ang sakit at paghihirap ni Mandy.
"Pagod ka na? Then good for you. Let's end these shit. Magdivorce na tayo." Baliwalang saad ng kaharap niya.
.
.
.
.
.
.
_______
Nakatitig lang siya sa reflection niya. Walang buhay ang kanyang mga mata. Sinasabunan niya ang kanyang katawan habang patuloy na bumubuhos ang tubig patungo sa kanyang katawan. Naalala parin niya ang naging sagutan nila ni Marko. Divorce. Alam niyang matagal ng gustong kumalas ni Marko sa kanya at tapusin ang lahat lahat sa kanila pero bakit ang sakit pakinggan. Ang hirap tanggapin.
Alam niyang ayaw sa kaniya ni Marko mula pa noon. Nagagawa pa siyang saktan nito para lang maipakita ang galit nito sa kanya. Kulang pa ba ang pananakit nito sa kanya. Hindi pa ba sapat lahat ng pagdurusa niya. Dahil sa isiping yun ay sumidhi na naman ang galit na kanyang nararamdaman. Ang pagkamuhi na unti unti siyang nilalamon ng buo. Kumuyom ang kanyang mga kamay. Napiga ng husto ang sabong hawak niya. "AHHHHHH!" Buong lakas niyang sigaw. Hinagis nito ang durog na sabon sa salamin.
Bumibilis ang kanyang paghinga habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Nagkalat ang sabon sa salamin ngunit nakikita parin niya ang sarili dito. Ibang tao na ang nakikita niya dito. Malayong malayo ka Mandy na masayahin at mapagmahal na pinatay ni Marko. Galit at pagkamuhi ang nakikita niya sa kanyang mga mata. Hindi siya ito.
"Hindi ako papayag sa punyitang divorce na yan. Walang maghihiwalay. Hindi ako papayag na maging masaya ka kasama ng mga kabit mo habang ako naghihirap dahil sa kagagawan mo. Pareho tayong magdudusa sa relasyon ito hanggang sa ikaw na mismo ang lumuhod sa harap ko." Malamig niyang turan.
*****
Sorry po sa matagal na pag-update.😭 Wala na talaga po kasi akong pangload. Buti nakahingi ako kahit bente lang hahaha.😅😅😅😇😇😇.
By the way Thanks for reading this story of mine. I hope you love it the way I love it. Shishishi.
Sorry for wrong grammar, typos and spelling. I know I'm not perfect but this story is perfect kahit matagal mag update.😅😅
Don't hesitate to...
Read,🧐🤓
Vote, 👍👌
Share 👭👩👧👦and
Follow👆👇👌 me on my account.
Thanks and love lots from your Mon Tresòr.
Just comment down your question and suggestion.
_ Leydeereyhn
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romansa"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
