Vote guys and follow me on my account, too. I need your full support. Thanks
***
Mandy POV:
Nakahawak siya sa tiyan niya habang naghahalungkat ng makakain sa ref. Gutom na siya kaya lang hindi siya makapagluto dahil wala namang ingredients tapos tinatamad pa siyang mag groceries. Nang makakita siya ng makakain ay agad na niya itong kinuha.
Kumain siyang mag-isa at tahimik. Iba na ang lasa ng adobo na kinakain niya. Hindi naman ganito ang lasa nun kahapon. Panis na kaya ito? Sinubukan niyang amuwin pero naalala niya na hindi na pala siya maka-amoy. Natawa na lang siya at umiling iling. Kaya kahit iba na ang lasa ay kinain parin niya Ito. Hindi naman siguro sasama ang pakiramdam niya tulad ng nangyari noon.
Pagkatapos niyang kumain ay niligpit na niya ang kinainan niya. Mamayang tanghali pa siya papasok. Umakyat siya sa ikalawang palapag upang tingnan kung dumating ang asawa niya pero wala ito sa kwarto nito. Well tulad parin ng dati. Ano namang aasahan niya. Hayyy buhay. Kung kaya lang niyang bumitaw ginawa na sana niya kaso paano. Paano siya bibitaw sa pag-asang mamahalin pa siya ni Marko. Pumuti na buhok niya kakahintay. Oh Well ganun naman talaga ang pag-ibig. Handang magpaka martyr at maging tanga alang-alang sa kaligayahan mo.
Sumalapak siya sa sofa niya sa sala at nanood na lang. Tinoon na lang niya ang sarili sa panonood kaysa isipin ang asawa niya na baka nasa babae niya. Nawala ang pagmumuni niya ng makaramdam ng pananakit ng tiyan. Ibang klase ang nararamdaman niyang sakit. Hindi lang sakit sa tiyan na kinakailangang magbanyo. Ibang sakit ang nananalaytay sa kanya. Nangyari na ito noon na sa kanya.
"Ahhhh!" Namimilipit niyang sigaw at hinawakan ng dalawang kamay ang tiyan niya. Pinagpapawisan na siya ng malagkit kahit na naka aircon naman.
Napahiga na siya sa sofa at ininda ang pananakit ng tiyan. Tulad noon ay ganun parin ang sakit
"AHHHHHH!" Muli niyang sigaw ng maramdaman na naman niya ang sakit. Tuluyan na siyang nahulog sa sofa at sumalampak sa sahig dahil sa sakit na nananalaytay. Isa lang ang naisip niya sa mga oras na ito.
'Marko'
Pinilit niyang bumangon. Nanginginig niyang kinuha ang phone niya at hinanap ang contact number ni Marko. Siya lang ang naiisip niya na makakatulong sa kanya. Ilang beses niya itong tinawagan pero ring lang ng ring.
"Answer the phone please. I need you!" Saad niya at mahigpit na nakakapit sa tiyan na sumasakit.
Guminhawa ng kaunti ang nararamdaman niya ng sagutin na nito ang tawag.
"The hell, Mandy. Bakit ba tawag ka ng tawag. Nasa kalagitnaan ako ng meeting tapos nang-iistorbo ka!" Sigaw ng nasa kabilang linya
"I-I n-need you, Ma-Marko. Help m-me please!" Nahihirapan niyang turan. Wala siyang pakialam kung sigawan siya nito basta ang mahalaga mawala ang sakit na nararamdaman niya.
"Bulshit! Tantanan mo nga ko diyan sa mga pinagsasabi mo. Lumang taktika na yan... Wag mo kong idamay sa gulo ng buhay mo pwede ba?. Ayusin mo yan mag-isa. Wag mo na akong tatawagan. Nakakasira ka ng araw---'babe ano bang ginagawa mo diyan? Let's sleep na, please---' Don't ever call me again." Narinig na lang niya ang pagbaba nito sa kanya ng tawag.
Nabitawan nuya ang phone na hawak dahil sumidhi na naman ang kakaibang sakit na parang pinipiga ang lamang loob niya.
Napasigaw ulit siya sa sakit hanggang sa unti unting nanlalabo ang paningin niya dahil sa hindi na niya makayanan ang sakit.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
