***
Third person POV:
Sa gitna ng dance floor at sa ilalim ng mga ibat ibang kulay ng ilaw na nagpapatay sindi at sa mga nagsasayawang mga tao ay nandoon si Mandy na lasing na lasing at umiindak rin.
Hindi niya alintana ang mga lalaking nakapaligid sa kanya habang siya ay sumasayaw. Hindi na siya mapigilan ng mga kaibigan niya. Maging si Rafael ay walang nagawa. Kaya ang ginawa nila ay bantayan Ito. Nakilala narin ang mga kaibigan ni si Rafael. Gwapong gwapo pa dito si Chola at halos himatayin na sa kilig. Pero hindi yun ang problema nila. Si Mandy na hindi nila mapigilan na uminom.
Sinabi niya sa mga ito na hayaan na lang siya dahil yun lang ang paraan para makalimutan niya ang problema niya. Na kahit sandali lang ay maging masaya naman siya. Awang awa sila habang pinapanood si Mandy na halos sirain niya ang sarili niy.
Nakita na nila na lumapit si Mandy sa upuan nila. Kumuha lang pala ito ng isang basong alak at ininom.
"Vhakit a-ayaw *hik* nhiyong uvhinom *hik* hihi. Sharap kaya. *hik* Ophss."
"Uwi na tayo Beshy. Lasing ka na o." Hindi mapigilan ni Khali na magsalita. Tinawanan lang siya ni Mandy.
"Shinong lashing *hik* hinzi pa--*hik* akho lashing *hik*."
Nagtinginan lang ang tatlo. Pumunta sila dito para uminom. Kaya lang kunti lang ang inimon nila dahil natuon ang atensiyon nila kay Mandy na tahimik lang na umiinom. Doon nila nakuha na malaki ang problema nito.
"Anong hindi eh halos hindi ka na makapagsalita ng tuwid." Turan ulit ni Khali
"Mabuti pa umuwi na tayo. Malalim na rin ang gabi. Sorry Papa Raf sa abala." Saad ni Chola. Iling lang na ngumiti si Rafael
"It's okay. Kayo na ba ang maghahatid kay Mandy?" Tumango naman ang dalawa. Natuon ang atensiyon nila kay Mandy ng bumagsak na ito sa upuan sa sobrang kalasingan.
"Oo. Saamin na muna siya tutuloy. Pero pwede bang buhatin mo siya papunta sa kotse namin? Ang bigat kasi niya eh." Kumakamot pa na saad ni Khali
"Sure."
Nilapitan na niya si Mandy at binuhat. Tulog na tulog na ito. Amoy alak na rin ito. Lumabas na silang tatlo. Nang makarating sila sa kotse ni Chola ay ipinasok ni Rafael si Mandy sa back seat.
"Mag-ingat kayo." Pagkatapos niya ilagay sa kotse si Mandy ay hinarap na niya ang dalawa.
"Ikaw din. Una na kami. Bye."
"Ingat ka papa Raf." Sumakay na silang dalawa at umalis sa Heaven's club.
Nakatanaw lang si Rafael sa papalayong kotse.
"Someday maaalala mo rin kung sino ako." Saad niya sa sarili habang iniisip ang una nilang pagkikita ni Mandy.
.
.
.
________Mandy POV:
"Ouch!" Yun ang una niyang nasabi pagkagising niya. Nakahawak pa siya sa ulo niya dahil sa sobrang sakit. Masarap ang ang alak sa umpisa.
"Buti naman gising ka na. Oh ito inumin mo para mawala ang hang over ko." Inabot sa kanya ni Khali ang gamot at tubig
"Salamat." Tinanggap niya ito at ininom na.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...