***
Marko POV:
Kahit na nahihirapan ay pilit paring binitawan ng father-in-law niya ang kanyang kwelyo at itinulak siya ng bahagya. Nakahinga siya nang malalim at niluwagan ang kanyang necktie ngunit hindi pa siya nakakarecover ay naramdaman na niya ang pagtama ng isang kamao sa kanyang pisngi dahilan upang bumagsak siya at paanan ng sofa.
"HON!" Gulat na sabi ng kanyang ina at tumayo ito upang pigilan ang Daddy niya na hindi pa nakuntinto sa pagsuntok sa kanya at balak pa siyang sugurin kung hindi lang ito umawat ang Mom niya.
"Hindi ako makapaniwala na nagkaroon ako ng anak na kagaya mo! Wala kang kwentang tao!" Sigaw nito at dinuro duro siya.
"Huminahon ka. Huwag mong pairalin ang galit mo." Pag-awat dito ng kanyang ina. Samantalang ang father-in-law niya ay hindi na nagsalita at tahimik na itong umupo sa sofa habang nag-iisip ng malalim.
Tumayo siya at hinarap ang ama na handang handa siyang bugbugin kundi lang nakaharang sa pagitan nila ang ina. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi.
"Kung kaya ni Juanito na magtimpi sa katarantaduhan ng anak mo, ako hindi!Dinamay mo lahat ng taong nakapaligid sayo dahil diyan sa kagaguhan mo. Kung alam ko lang ang tungkol sa miscarriage ni Mandy, sana nung una palang kumilos na ako."
Lahat sila ay nagulat, maging siya dahil sa sinabi ng kanyang ama. Tumingin siya rito nang may pagtataka. Alam ba nito ang tungkol sa pambababae niya? Pero bakit hindi ito nagsalita?
"Anong sinasabi mo? May alam ka sa pambababae ng anak mo? Alam mo ang pinaggagawa niyang katarantaduhan sa asawa niya?" Nagtatakang tanong ng Mom niya sa asawa nito. Pareho sila ng father-in-law niya na naghihintay sa Sagot ng kanyang ama.
"Oo. Matagal ko nang alam na nambababae si Marko dahil narinig ko ang usapan nila nung dumalaw sila sa mansion pero hindi ako nagsalita dahil ayokong makialam at gusto ko na sila mismo ang umayos ng problema nila. Pero ang hindi ko alam ay yung tungkol sa pagkawala ng pang-amoy ni Mandy at ang pagkamatay ng anak nila." Kung ganun narinig nito ang usapan nila ni Mandy? Kung ganun alam ng asawa niya na may alam ang Dad niya tungkol sa namamagitan sa kanila.
"Matagal mo na palang alam ang tungkol dito tapos itinago mo sa amin." Galit na saad ni Mom niya.
"Dahil nga gusto kong sila muna ang umayos ng problema nil---"
"Pero naayos ba? Diba lalo lang gumulo at ang malala, buong mundo pa ang nakaalam. Kung sinabi mo sana ito noon pa edi sana nakagawa tayo ng paraan na pigilan ang kababuyan ng anak mo at ng babaeng yun. Ngayon, tingnan mo ang nangyayari. Lumala lang ang problema tapos dumagdag pa ang pinagbubuntis ng Minche na yun."
Nadidismayang turan ng kanyang ina at napa-upo sa sofa.
"Ginawa ko yun dahil ayokong pati sa atin magalit si Mandy. Gusto rin niya ang ginawa ko." Tiningnan siya ng masama ng Daddy niya.
_________
Mandy POV:
Naka-upo lamang siya sa sofa habang tahimik na nakatulala sa kawalan. Nakita niya ang video pero hindi niya tinapos panoorin dahil mas lalo lang siyang masasaktan. Gusto niyang uminom para makalimot pero wala din namang saysay yun dahil ramdam parin niya sa kanyang puso ang sakit na ginawa sa kanya ni Marko.
"Kaya naman pala hindi ko macontact si papa Raf dahil umalis na siya pero umalis naman siya kung kailan kailangang kailangan natin siya." Biglang saad ni Chola sa tatlumpong minuto nilang pananahimik pagkatapos nilang mag-usap na magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...
