Epilogue

2.5K 29 5
                                        

***

Mandy's POV: (Her first ever pov)

- 9 months later

Hindi man naging maganda ang pagsasama namin ni Marko lalo na ang naging hiwalayan namin, masasabi kong binago pa rin ako nito at ginawang matatag upang harapin ang bukas.

Inaamin ko sa sarili ko na naging tanga ako sa pag-ibig at kung tatanungin ako kung naging martyr ba ako ang sagot ko ay 'oo'. Minsan na nga akong naging martyr na pinagsisihan ko sa bandang huli dahil hindi lang ako ang nasira, maraming tao ang nadamay.

Nakapag aral man ako sa prestehiyusong paaralan, nagmula sa marangal, mayaman at desenting pamilya. Matalino man ako at may mataas na pinag-aralan, hindi ko parin itatanggi na nagpakaluko at naging tanga ako sa pag-ibig na hindi naman talaga para sa akin. Pilit kong inabot ang isang bagay na hindi sa akin kaya sobrang lalim ng binagsakan ko. Sa sobrang lalim nito ay nahirapan akong makaahon dahil sa sobrang lalim rin ng sugat na natamo ko. Sa bandang puso ko na nakakonekta sa buong pagkatao ko.

Nine months ago, nagawa kong itama ang pagkakamali ko. Nagawa kong ilagay sa tamang lugar ang lahat ng mga bagay na nagulo ng relasyon namin ni Marko kahit karamihan sa lahat ng mga taong mahal ko ay hindi matanggap at pinilit na lamang tanggapin ang desisyon ko.

Nine months ago, nagkaroon ako nang lakas ng loob na tapusin ang relasyon namin ni Marko.

Nine months ago, we separate our path for the good of both of us. To heal and start a new life away from each other.

(....Flaskback....)

"Can we talk first. Let's clear some misunderstanding first before going in this matter and signing this annulment paper. Pag-isipan mo muna..... natin. Can we, please!?" Pagmamakaawang turan ni Marko kay Mandy at hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa table pero agad din nitong binawi at sa mga hita na lang nito ipinatong.

"Nakapag decide na ako Marko. Matagal ko tong pinag-isipan. Tinatapos ko na ang lahat sa atin, Marko.. Ito rin ang makakabuti  para sa atin. Believe me." Determinadong sagot ni Mandy sa asawa at pilit na hindi pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa kanyang mga mata.

"Mahal mo pa naman ako diba?" Lumuluhang tanong ni Marko at binaliwala ang mga sinabi ng asawa.

"Hindi tayo maisasalba ng pagmamahal na yan. Hindi na natin mapipilit na ayusin ang matagal nan--"

"Mahal mo pa ba ako? Yun ang tanong ko Mandy. Mahal mo parin ba ako?" Hindi na natapos ni Mandy ang sasabihin dahil sa pagsingit sa kanya ni Marko. Nakatitig ito sa kanya ng mariin at hinuhuli ang mga tingin niya.

"Mandy?" Malamyos nitong ani at dama ni Mandy sa boses nito ang pagmamakaawa ngunit hindi siya pwedeng maapektuhan.

Matapang niyang sinalubong ang nagmamakawa nitong mga mata.

"Kahit sabihin kong mahal kita, wala pa rin namang magbabago. Kahit sabihin nating nagmamahalan tayo, hindi parin nun magagawang isalba ang relasyong to... Hindi mo ba maitindihan, Marko? Hindi mo ba nakikita? O sadyang nagbubulag bulagan ka lang? Hindi mo ba nakikita ang realidad? O baka kagaya ka lang din ni Minche na pilit isinasaksak sa kukuti niya na may magandang buhay na naghihintay para sa inyo. Hindi ito fairytale na sa isang sorry mo lang okay na lahat... Sige nga, Marko, paano natin maipagpapatuloy ang relasyong to na parang walang nangyari gayong alam natin na marami tayong nasirang buhay, nagulo at naapakan?"

Mandy The Unmarried Woman (Complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon